LJ Reyes super ganda, fresh na fresh sa pre-wedding photos, Paolo basag na naman sa fans: ‘Kaya ka pala niloko at nasaktan…darating si Philip Evangelista!’
NADAMAY na naman si Paolo Contis sa mga nakakalokang comments ng netizens sa ibinanderang pre-wedding photos ng award-winning actress na si LJ Reyes.
Maraming kinilig at napa-wow sa mga litrato ni LJ Reyes at ng kanyang non-showbiz fiancé na si Philip Evangelista na makikita sa kanilang Instagram accounts.
Naka-tag din sa IG page ni LJ ang prenup photos nila ni Philip mula sa Nice Print Photo. Ang nakalagay sa caption, “In God’s most perfect time (red heart emoji).
View this post on Instagram
“Counting the days til she becomes Mrs Philip Evangelista and @lj_reyes New York Esession,” sabi pa sa NP IG page.
Maraming nagsabi na ang ganda-ganda ngayon ni LJ at mukha talagang happy sa kanyang new-found love. Nag-uumapaw din daw ang kanyang “freshness” sa piling ni Philip.
Pero as usual, may mga bashers pa rin ang nagkomento ng hindi maganda pero hindi para sa future husband and wife kundi para sa ex-dyowa ni LJ na si Paolo Contis.
Baka Bet Mo: Lolit dumepensa para kay Paolo: Hindi lang naman babae ang hurting…
Ayon sa ilang netizens, buti na lang daw at nagkahiwalay sila ni Paolo dahil deserve raw niya ang lalaking handang gawin ang lahat para sa kanya pati na rin sa kanyang mga anak.
Tama lang daw ang naging desisyon niya na layasan si Paolo pati na ang Pilipinas dahil may mas matinong lalaki pa pala ang naghihintay sa kanya sa Amerika.
“Kaya kapala nasaktan kasi para maka punta kajan sa New York kasi jan pala tlaga ang destiny mo. magpasalamat ka kay… yang kasi kung hindi dahil sa kanya hanggang ngayun na kay Paw kapadin na manloloko.”
“A hearty and early congrats to LJ and Philip on their marriage! So wonderful to see this joy after LJ made the big move to the United States.”
View this post on Instagram
“Congratulations. Sana this time forever na.. God bless po Ms LJ.. Ang ganda mo sa personal sa totoo lang po.”
“Magkamukha po kayo ng soon to be husband mo maam @lj_reyes congratulations and best wishes po.”
“Wow.. I’m still so amaze that lahat ng babaeng naloloko ni …. nakakahanap ng forever nila.. pero si… oh well. hahhaha!”
“Lj deserves to be happy again.”
“That’s a real man right there.”
“A hearty and early congrats to LJ and Philip on their marriage! So wonderful to see this joy after LJ made the big move to the United States.”
“You have a happy ending. God will always find a way. God bless you!”
“Happiness looks good on you. Congrats, LJ. You deserve all the goodness in the world.”
Anak ni Rica nagpositibo sa COVID-19 kasabay ng pagse-celebrate ng 8th birthday
Mark Anthony fresh na uli; walang tigil sa pagwo-workout mula nang makalaya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.