Daniel, Kathryn suportado nang bonggang-bongga ang tambalang Yves Flores-Gillian Vicencio; ReTox loveteam magpapasabog ng kilig | Bandera

Daniel, Kathryn suportado nang bonggang-bongga ang tambalang Yves Flores-Gillian Vicencio; ReTox loveteam magpapasabog ng kilig

Ervin Santiago - August 06, 2023 - 07:53 AM

Daniel, Kathryn suportado nang bonggang-bongga ang tambalang Yves Flores at Gillian Vicencio; ReTox loveteam magpapasabog ng kilig

Gillian Vicencio, Yves Flores, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

SUPORTADO nang bonggang-bongga ng celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang pak na pak na tambalang Yves Flores at Gillian Vicencio.

In fairness, masasabing tulad ng KathNiel loveteam at gumawa rin ng kasaysayan ang tandem nina Yves at Gillian bilang kauna-unahang tambalan na nabigyan ng spinoff series mula sa isang matagumpay na programa.

Ang tinutukoy namin ay ang launching digital series nilang “ReTox 2 Be Continued,” na nagmula sa hit serye na “2 Good 2 Be True” nina Kathryn at Daniel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Daniel Ford (@supremo_dp)


Dito, ibabandera naman ang pagpapatuloy ng kuwento ng mga karakter nina Yves at Gillian bilang sina Red at Tox na talaga namang minahal at kinakiligan din ng mga naadik sa “2 Good 2 Be True.”

Sabi ni Yves sa panayam ng ABS-CBN, “Dream ko ito para kay Gillian. Totoo, ‘yun ang sinasabi ko sa kanya. Ako naman kasi sa dami na rin nang nagawa ko parang sabi ko kahit anong ibigay sa akin ay okay lang.

“Parang hindi ko rin naman hinihingi na maging superstar, pero sinasabi ko lagi na ‘yung tumagal ka sa industriya, ‘yun ang pinakamahirap.

Baka Bet Mo: Gillian Vicencio aminadong laking Quiapo, may chance nga bang maging dyowa si Yves Flores?

“Gusto kong tumagal. Kaya ito, itong project na ito ay pangarap ko ito para kay Gillian,” chika pa ng aktor sa mediacon ng “ReTox 2 Be Continued.”

Pagsang-ayon naman ni Gillian, “Totoo po ‘yon. Kasi sinasabi niya naman po ‘yon sa akin kung ano ang gusto niyang mangyari sa career niya. Pero para sa akin po ay inuuna niya po ako sa ngayon. So thank you.”

Pagpapatuloy na chika pa ni Yves tungkol sa tambalan nila ni Gillian, “Itong ReTox kasi hindi namin siya ini-expect parang wala siya sa script na ibinigay sa amin nu’ng una, wala siya sa story.

“Tapos sa mga eksena kasi lagi kaming nagbabardagulan ni ReTox na wala sa script. Sa gitna ng first cycle (shooting ng 2 Good 2 Be True) sabi ni Direk Mae (Cruz Alviar) pag-love team ko kaya ‘yung dalawa tapos ako parang ‘Bakit?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gillian Vicencio (@_gillianvicencio)


“Ako nagulat kasi ang tingin ko kay Gillian ay bata. Kasi ang tatangkad namin as in mama kaming tatlo, kami ni DJ (Padilla), ni Matt (Evans), tapos feeling ko may isang batang babae na kasama kami.

“Tapos ‘yun na sa tagal, parang mayroon silang nakikita na hindi namin nakikita sa screen. Tapso eventually na-realize namin na may something kapag napapanood namin, which is hindi naman namin nararamdaman o sinasadyang gawin ‘yon,” sey pa ni Yves.

Sa nasabi ring panayam, nagpasalamat sina Yves at Gillian sa ibinibigay na suporta sa kanila nina Daniel at Kathryn na itinuturing na rin nilang kuya at ate sa showbiz.

“May interview po kasi si Ate Kath na nakita ko na tinanong siya about us tapos sabi niya na kaya na nilang dalawa ‘yon, alam na nila ang ginagawa nila. And I think, yeah, happy naman po sila rito sa ginawa namin,” sabi ni Gillian.

“Saka before pa naman na gawin namin itong ‘ReTox 2 Be Continued’ ay supportive sa amin ang KathNiel. Hindi lang KathNiel actually, buong team pati directors.

“So nu’ng in-announce na may gagawin kami ni Gillian, ito nga parang tuwang-tuwa lahat,” dagdag chika ni Yves.

Ka-join din sa “ReTox 2 Be Continued” sina Mercedes Cabral, Earl Ignacio, Migo Valid at Kate Yalung. Nagsimula na ito last Tuesday, August 1, sa YouTube Channel ng ABS-CBN Entertainment.

Yves Flores, Gillian Vicencio may ‘MU’ na, umaming naglalambingan at nagsusuyuan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yves Flores, Gillian Vicencio magdyowa na nga ba matapos ma-develop sa ‘2 Good 2 Be True’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending