Magkaibigan nagkasira dahil sa pera at Brazilian hair botox, paano pinag-ayos ng ‘CIA with BA’?
DALAWANG magkaibigan na nagkasira dahil sa pera ang pinag-ayos ng premyadong TV host na si Boy Abunda at ng magkapatid na sina Sen. Alan Peter at Sen. Pia Cayetano.
Sa episode ng “CIA with BA” nitong Linggo, Hulyo 30, isa sa mga reklamong hinarap ng programa ay mula kay Romela Dolso, dahil sa serbisyo ng kanyang hairstylist na kaibigan na si Edison “Sonson” Pacete sa kanila ng anak niyang si Nicole.
Isyu ng professionalism ang tinalakay dahil diumano, sinabi ni Sonson kay Niole na ayos lang mag-swimming kahit katatapos lamang nitong magpa-Brazilian hair botox. Subalit pinabulaanan naman ito ni Sonson.
Bilang resulta, nasira ang buhok ni Nicole. Sa kabilang banda, nagrereklamo rin si Sonson dahil hindi siya binabayaran ni Romela. Nakapagpalala pa ng sitwasyon ay ang mga chismis na naririnig nila mula sa kanilang mga kapitbahay.
“As a lawyer, pwede kong sabihin na ‘consistent ka, inconsistent ka,’ pero para sa akin, anong nangyari na parang naging deep ‘yung pain sa inyong dalawa? Although normal ‘yon ‘pag close kayo.
“Kaag ‘yung magkaaway na magkaaway talaga, mas madaling magkabati, pero ‘pag mag-best friend, mas malalim talaga,” komento ni Sen. Alan.
“Kasi ‘yung pera, ‘yung amount na pinag-uusapan niyo, even through the show pwede tayong magtulungan ‘di ba? Pero ‘yung value ng relationship niyong dalawa, nanghihinayang lang ako, parang sayang naman kung itatapon natin ‘yung friendship niyo because hindi kayo nagkaunawaan,” dagdag pa niya.
Inilatag rin ni Sen. Alan ang mga posibleng resulta ng kanilang diskusyon.
Baka Bet Mo: ‘Ina laban sa anak’: Mga isyu sa relasyon ng pamilya tutugunan ng ‘CIA with BA’
“Una, hindi kayo magkasundo, wala na lang kayong pakialaman para hindi kayo nags-stress out sa isa’t-isa. Pangalawa is that you realize na mas importante ‘yung pagkakaibigan niyo o relationship and you try to work it out.
“Pangatlo, ituloy niyo ang dispute niyo and problema sa dispute niyo, ‘yung advice will depend the facts and the facts is under dispute,” sabi niya.
“So for example, kung malinaw na mali ang pagkagawa (sa hair service) at hindi siya (Nicole) nag-swimming, pwede mong (Romela) i-demand na tapusin niya (Sonson) ‘yung trabaho—kung pwede pa at hindi mada-damage—or ‘wag nang bayaran. Or in fact kung na-damage, singilin ka (Sonson) sa damages,” paliwanag pa ng senador.
“Pero kung halimbawa malinaw na kasalanan ng anak mo (Romela), dahil nga nagswimming siya, [si Sonson] ang pwedeng maningil. And kung malinaw na siniraan siya (Sonson), pwede ka (Sonson) rin sumingil ng damages.
“But for you to do that, either sa barangay o sa korte, gaano katagal ‘yon? Gaano kalaking stress sa inyong dalawa? Sana nga, one way or the other, maresolve natin,” aniya pa.
Sa huli, pinili ng dalawa na patawarin ang isa’t isa.
“Mare, sorry kung ganon. Alam ko maaayos naman natin ito ‘di ba? Buti nga dahil sa kanila (CIA with BA), at least matutuldukan kung anuman ang gulo o hindi pagkakaunawaan nating dalawa,” sabi ni Sonson kay Romela.
“Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob o galit sa ‘yo. Nagtampo lang ako kasi mas pinaniwalaan mo ‘yung mga kapitbahay mo kaysa sa akin,” sagot ni Romela.
Nangako naman ang programa na sasagutin lahat ng sinisingil ni Sonson kay Romela, pati na rin ang ilang buwang renta para maipagpatuloy ni Sonson ang kanyang negosyo at maging ang kanyang pagpapagamot.
Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama nina Sen. Alan Peter at Sen. Pia. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera )” noong 1997 hanggang 2001.
Ngayong Linggo, Agosto 6, papasok na sa ikatlong season ang “CIA with BA” na napapanood tuwing Linggo, 11:30 p.m. sa GMA 7.
Enchong walang alam sa paglipat ni Bea sa GMA: Ang mahalaga yung suporta sa isa’t isa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.