Rabiya sa relasyon nila ngayon ni Jeric: Magkaibigan kami, hindi naman kasi masama 'yung nangyari sa amin... | Bandera

Rabiya sa relasyon nila ngayon ni Jeric: Magkaibigan kami, hindi naman kasi masama ‘yung nangyari sa amin…

Ervin Santiago |October 04,2022
facebook
share this

Rabiya sa relasyon nila ngayon ni Jeric: Magkaibigan kami, hindi naman kasi masama ‘yung nangyari sa amin…

Ervin Santiago - October 04, 2022 - 07:52 AM

Rabiya Mateo sa relasyon nila ngayon ni Jeric: Magkaibigan kami, hindi naman kasi masama 'yung nangyari sa amin...

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo

MARAMI pa ring fans ang umaasa na magkakabalikan at magkakaroon ng part 2 ang love story ng ex-celebrity couple na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.

In fairness, muling pinakilig ng dalawang Kapuso stars ang kanilang mga supporters nang muli silang magsama sa variety show ng GMA na “TiktoClock” kung saan isa si Rabiya sa mga host.

Ayon sa Kapuso actress-TV host at dating beauty queen, maayos naman ang paghihiwalay nila ni Jeric at hindi rin sila daw sila nagkailangan nang muling magkita sa studio ng “TiktoClock.”

“Masaya naman kasi unlike nu’ng mga nakikita ng mga tao na articles sa social media, na minsan fake talaga.

View this post on Instagram

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


“Minsan, kami nga ni Jeric, nagugulat na, ‘O, ito ‘yung mga sinasabi nila na may ganito tayo, may ganyan.’

“But at the end of the day, alam ko kami ni Jeric, we’re good friends. And, mas kilala namin ‘yung isa’t isa more than anybody around us.

“So nu’ng nagkita kami sa ‘TiktoClock,’ wala talagang halong awkwardness, ako magsasabi talaga,” ang pahayag ni Rabiya sa panayam ng GMA Network.

Paniniyak pa ng dalaga, “Magkaibigan kami, at hindi naman masama ‘yung nangyari sa amin kumbaga. So, we just had fun, and nakita ng audience ‘yon.”

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi rin naman ni Jeric na magkaibigan pa rin sila ni Rabiya kahit pa naghiwalay na sila. Pero nilinaw niya ang chika na nagkabalikan na sila.

“After what happened, the controversies and issues, nag-stay kami na friends, good friends. Ang hirap sabihin na nagkabalikan kasi mas gusto na lang namin sabihin na we’re good friends and we support each other.

“Hindi kami ‘yung nag-break na as in wala na talaga, nag-away, gano’n. We want it to be private lang, we’re on good terms.

“Wala naman kasi talaga kaming pinag-awayan or pinagtalunan na issue. Siguro priorities lang talaga as of now kasi we’re both busy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang hirap e. Marami talagang taong nakikialam. Maraming issues na darating sa kanya at sa akin, so mas healthy na focus kami sa work pero at the same time, okay naman kami,” aniya pa.

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales nagkakamabutihan na nga ba?

Jeric nag-propose muna kay Rabiya bago nanligaw; love story nagsimula sa ‘Wish Ko Lang’

Jeric Gonzales nagbura ng mga pictures sa Instagram, hiwalay na kay Rabiya?

Enchong walang alam sa paglipat ni Bea sa GMA: Ang mahalaga yung suporta sa isa’t isa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending