Enchong walang alam sa paglipat ni Bea sa GMA: Ang mahalaga yung suporta sa isa't isa | Bandera

Enchong walang alam sa paglipat ni Bea sa GMA: Ang mahalaga yung suporta sa isa’t isa

Therese Arceo |July 21,2021
facebook
share this

Enchong walang alam sa paglipat ni Bea sa GMA: Ang mahalaga yung suporta sa isa’t isa

Therese Arceo - July 21, 2021 - 03:26 PM

ISA sa mga kilalang matalik na magkaibigan sa industriya ng showbiz sina Bea Alonzo at Enchong Dee.

Ngunit tila walang alam ang aktor sa naging desisyon ng aktres na lumipat sa bakuran ng GMA 7.

Sa isang interview sinabi ng Kapamilya actor na, “Never kasi naging aspeto ‘yung pagiging magkaibigan namin. That’s why bilang kaibigan, you just have to be there to support her.”

Giit rin nito na bawat isa ay may sariling buhay at karera na gustong tahakin.

“Bawa’t isang artista may kanya-kanyang karera. Sa sarili ko pa lang, pagod na pagod na ako so hindi ko na yata maasikaso yung karera niya,” pagpapatuloy niya.

Sa kabila ng pagkagulat ng aktor sa hindi pagsasabi ng planong paglipat sa Kapuso network ng dalaga, patuloy pa rin niya itong susuportahan.

“The best thing is to support each and everyone. Every one has their own has their own reasons,” pahayag ng binata.

Naikuwento rin ni Enchong na dapat sana ay magkikita sila ni Bea para mag-dinner ngunit lumipad na nga ang aktres papuntang US kasama ang rumored boyfriend na si Dominique Roque.

Mukhang hindi naman apektado ang nagkaibigan kahit na hindi na sila sa parehas ng istasyon na pinagtatrabahuan.

Nang tanungin kasi si Enchong sa nasabing panayam kung mami-miss niya si Bea, ang tanging sagot lang ng aktor ay “Puwede ko naman puntahan siya kung nami-miss ko siya.”

Nananatili pa ring matatag ang samahan ng dalawang magkaibigan kahit na nga matagal na silang hindi nagkikita at nagkakasama.
Isa sila sa mga living proof na hindi basehan kung Kapamilya o Kapuso para maging tunay at pangmatagalan ang pagiging magkaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending