Kris Bernal tuwang-tuwa sa 'unboxing' ng mga regalo para sa unang baby nila ni Perry Choi, pero kailangan pa nilang pag-aralan kung paano gamitin | Bandera

Kris Bernal tuwang-tuwa sa ‘unboxing’ ng mga regalo para sa unang baby nila ni Perry Choi, pero kailangan pa nilang pag-aralan kung paano gamitin

Ervin Santiago |August 03,2023
facebook
share this

Kris Bernal tuwang-tuwa sa ‘unboxing’ ng mga regalo para sa unang baby nila ni Perry Choi, pero kailangan pa nilang pag-aralan kung paano gamitin

Ervin Santiago - August 03, 2023 - 06:55 AM

Kris Bernal tuwang-tuwa sa 'unboxing' ng mga regalo para sa unang baby nila ni Perry Choi, pero kailangan pa nilang pag-aralan kung paano gamitin

Kris Bernal at Perry Choi

KITANG-KITA sa mukha ng aktres na si Kris Bernal ang sobrang excitement habang binubuksan ang mga regalong natanggap para sa unang baby nila ni Perry Choi.

Sa kanyang latest YouTube channel ay ipinakita ng Kapuso star ang ginawa niyang “unboxing vlog” kung saan isa-isa nga niyang binuksan ang mga regalong natanggap mula sa naganap na gender reveal at baby shower para sa kanilang magiging baby girl.

Paliwanag ni Kris, nagdesisyon silang buksan na ang mga gifts para malaman na nila kung anu-ano ang mga ito at kung ano pa ang dapat nilang bilhin para sa nalalapit niyang panganganak.

Ngayong buwan na nakatakdang manganak ang aktres kaya naman naghahanda na sila ni Perry dahil anumang oras ay pwede nang lumabas ang bata.

Chika ni Kris, “Hi, She-zums! Time to unbox the gifts we received during our gender reveal and baby shower parties to help us determine what more we need to buy! Ang bongga ng mga regalo!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey pa ng aktres, kailangan pa nilang pag-aralan ni Perry kung paano gamitin ang mga natanggap na regalo para sa kanilang baby mula sa kanilang mga kapamilya at kaibigan in and out of showbiz.

“At the same time, there’s still so much to learn from using these baby gifts!” hirit pa ni Kris.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng nagpunta at nakisaya regalo sa kanilang gender reveal at baby shower, lalo na sa mga nagbigay ng regalo para sa magiging anak.

Baka Bet Mo: Payo ni Kris kay Aljur: Ask for God’s guidance kung saan ka dapat at ano ang para sa iyo…

“We appreciate you showering our baby with presents, but simply being there for us and being supportive is enough. Thank you for all your warm wishes and prayers!” mensahe ng aktres.

Nakita namin sa vlog ni Kris ang ilang celebrities na dumalo sa baby shower, naroon sina Carla Abellana, Thea Tolentino, Rita Daniela, Sanya Lopez, at marami pang iba.

Nauna rito, ibinahagi rin ni Kris sa social media ang mga glossy pictures niya na kuha sa kanyang maternity shoot by Nice Print Photography.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)


“No one mentioned it. In 9 whole months, not one person said you’re about to meet someone entirely new, and it’s not your baby. It’s going to be you.

“Pregnancy and motherhood will change us in all sorts of ways, body, and mind. And, I’m all for it!” aniya sa caption.

Sa isa namang panayam, sinabi ni Kris kung anong gender ang gusto niyang maging first baby, “Ako naman siyempre any ako, ‘di ba. Siyempre it’s my child. So whether it’s a boy or a girl, mamahalin ko ‘to.

“Pero dahil lahat ng pamangkin ko puro lalaki, then sa side din ni Perry halos lahat lalaki, si Perry wala siyang sister. So both kami, sana maging girl. I want a girl version of Perry eh,” aniya.

In-explain din niya kung bakit Luka ang nais niyang ipangalan sa anak “It’s so weird kasi ang pinaglilihian ko, basketball player. Si Luka Doncic. Sobrang nagiging fan mode ako.

“Ang weird nga. I never liked basketball. I never got interested sa basketball until I got pregnant. So, sabi ko, gusto ko ‘yung baby ko, may Luka na name,” sey ni Kris.

Kris Bernal umiyak nang bongga nang ma-postpone ang kasal: Pero ang mahalaga tuloy pa rin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris Bernal manganganak na sa Agosto, ready na nga bang maging mommy?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending