Kris napiling ninang, ninong ng anak sina Rhian, Rocco, Jennylyn

Kris Bernal napiling ninang, ninong ng anak sina Rhian Ramos, Rocco Nacino, Jennylyn Mercado

Pauline del Rosario |July 01,2023
facebook
share this

Kris Bernal napiling ninang, ninong ng anak sina Rhian Ramos, Rocco Nacino, Jennylyn Mercado

Pauline del Rosario - July 01, 2023 - 03:37 PM

Kris Bernal napiling ninang, ninong ng anak sina Rhian Ramos, Rocco Nacino, Jennylyn Mercado

Kris Bernal, Rhian Ramos, Rocco Nacino, Jennylyn Mercado

ISANG buwan nalang ay manganganak na ang aktres na si Kris Bernal!

At kasabay ng kanyang paghahanda ay may napili na siyang ninong at ninang para sa kanyang first baby.

Sila’y walang iba kundi ang ilang celebrity friends na sina Rhian Ramos, Rocco Nacino at Jennylyn Mercado.

Ibinunyag ‘yan mismo ni Kris sa pamamagitan ng prank video na kung saan ay nagtanong siya ng suggestions kung ano ang magandang ipangalan sa anak, at nanghingi pa ng sponsorship para sa gaganapin na baby shower.

Bago magsimula ang kanyang gimik, inamin ng aktres na ito ang pinaka ayaw niyang gawin dahil natatakot daw siyang manloko ng tao.

Ngunit dahil marami raw ang nage-request nito kaya lakas-loob nalang niya itong ginawa.

“Maiba naman daw tsaka para may ka-collab naman daw tayong mga celebrity friends,” sey ni Kris.

Sambit pa niya, “Pero hiyang-hiya talaga akong gumawa ng prank vlog. Aside sa hiyang-hiya ako, natatakot ako.”

Baka Bet Mo: Kris Bernal nag-real talk sa buhay buntis, ibinandera ang ‘dark armpits’ at ‘stretchmarks’

“Ayoko manloko, hindi ko alam kung magiging convincing ang acting ko. Parang takot ako na may masaktan ako or maniwala sila or maging aggressive sila,” ani pa niya.

Unang tinawagan ng soon-to-be mom ang kaibigan na si Rhian na game na game namang mag-sponsor sa baby shower.

Saad pa niya, “Go lang! I’m so honored sa totoo lang to be part of this. Na-touch talaga ako na naisip mo pa ako. Thank you!”

Sumunod naman ay ang favorite leading man daw ni Kris na si Rocco na nagkwento pa sa aktres na dalawang buwan daw silang mag-asawa nakaisip ng pangalan na ibibigay para sa anak na si EZ.

Nang hingan siya ng sponsorship ni Kris na worth P30,000 ay tila nagkaroon pa ng tawaran at sinabihan ng aktor si Kris na, “Uy grabe, may pinapakain dito o.” 

Bukod diyan ay napagsabihan pa ang aktres na, “Mali ‘yung perception mo sa ninong, ninang!” 

Dahil sa nangyari, tila hindi na kinayanan ni Kris ang poagkukunwari at sinabi na agad niya kay Rocco na gumagawa siya ng prank video at hindi totoo ‘yung paghingi niya ng sponsorship.

Ang panghuli naman na tinawagan ay si Jennylyn na ayon kay Kris ay hindi sila close, pero nais niya raw itong maging ninang ng anak dahil sa sobrang bait nito at laging nagre-reply sa kanya sa tuwing mine-message niya.

Pumayag naman agad si Jennylyn na mag-sponsor ng cocktails at naging game rin itong sagutin ang venue na worth P50,000 basta raw ay may kahati siya.

Matatandaan noong Marso ay inanunsyo ni Kris at ng kanyang mister na si Perry Choi ang bagong journey ng kanilang buhay sa pamamagitan ng napaka-cute na posters nitong buwan.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin nakakatakot maging ninang sa kasal: Lahat ng inaanak ko nagkakahiwalay

Ogie, Regine nag-volunteer na bilang ninong at ninang sa kasal nina Paulo at Janine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending