Kris Bernal ibinandera ang ‘dark armpits’ at ‘stretchmarks’

Kris Bernal nag-real talk sa buhay buntis, ibinandera ang ‘dark armpits’ at ‘stretchmarks’

Pauline del Rosario |May 27,2023
facebook
share this

Kris Bernal nag-real talk sa buhay buntis, ibinandera ang ‘dark armpits’ at ‘stretchmarks’

Pauline del Rosario - May 27, 2023 - 11:03 AM

Kris Bernal nag-real talk sa buhay buntis, ibinandera ang ‘dark armpits’ at ‘stretchmarks’

PHOTO: Instagram/@krisbernal

IBINANDERA ng Kapuso actress na si Kris Bernal ang ilang mga pagbabago sa kanyang katawan kasabay ng kanyang pregnancy journey.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories ay ipinakita ni Kris ang kanyang selfie picture at sinabing nagkakaroon na siya ng stretch marks at nagingitim pa ang ilang parte ng kanyang katawan.

“Buhay buntis: Dark armpits, dark batok, dark singit + stretch marks starting to show up,” sey niya sa caption.

Gayunpaman, pinaalala ng aktres na okay lang na mapag-usapan ito dahil isa itong katotohanan na pinagdadaanan ng pregnant moms.

Lahad niya sa IG Story, “It’s okay to open up about the lows of pregnancy! It doesn’t mean I’m ungrateful! This is reality!”

Baka Bet Mo: Kris Bernal pangarap na masabihang ‘best mom’ ng anak, feel na feel na ang pagiging nanay

Nasa third trimester na ng pagbubuntis ang aktres at lagi niyang shine-share ang kanyang journey as a first time mom.

Kung maaalala, una nang ibinahagi ni Kris ang pagkakaroon niya ng “insecurities” sa katawan.

Inamin niya na nararamdaman na niya minsan na hindi siya maganda o attractive.

Ayon pa sa kanya, madali na siyang mapagod, mabagal din daw siyang kumilos at laging feeling bloated.

Matatandaan noong Marso ay inanunsyo ni Kris at ng kanyang mister na si Perry Choi ang bagong journey ng kanilang buhay sa pamamagitan ng napaka-cute na posters nitong buwan.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pia Magalona may hiling kay Francis M; malalim ang hugot sa ‘dark side’

Joshua Garcia hinangaan bilang Dark Brian sa ‘Darna’, pero ilang netizens hindi sang-ayon…bakit kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending