Kris Bernal pangarap na masabihang ‘best mom’ ng anak, feel na feel na ang pagiging nanay Bandera

Kris Bernal pangarap na masabihang ‘best mom’ ng anak, feel na feel na ang pagiging nanay

Pauline del Rosario |May 15,2023
share this

Kris Bernal pangarap na masabihang ‘best mom’ ng anak, feel na feel na ang pagiging nanay

Pauline del Rosario - May 15, 2023 - 12:05 PM
Kris Bernal pangarap na masabihang ‘best mom’ ng anak, feel na feel na ang pagiging nanay

PHOTO: Instagram/@krisbernal

KAHIT hindi pa nasisilang ng Kapuso actress na si Kris Bernal ang kanyang anak, nakisabay na rin siya sa pagdiriwang ng Mother’s Day nitong Linggo.

Ibinahagi pa nga niya sa isang Instagram post ang kanyang nais marinig mula sa kanyang future daughter.

Wish daw niya na masabihan ng “best mom” ng anak.

“One day, I hope to hear my child say, ‘You’re the best mom in the entire universe’,” sa kanyang IG caption.

Nakwento pa ni Kris na ito ang unang beses na magbubunyi siya sa Mother’s Day bilang first-time mom.

Sabi pa niya, minamahal na niya nang sobra ang kanyang anak kahit hindi pa niya ito nakikita.

Baka Bet Mo: Kris Bernal sinabihang super arte dahil ayaw ng simpleng kasal: Gusto ko kasi grand lahat!

Iba, aniya, talaga ang pakiramdam ng pagiging ina at siya raw ay lubos na nagpapasalamat sa ibinigay na biyaya sa kanya.

“I’ve already love this little miracle inside me so much without even seeing her in flesh yet. It makes me emotional to even describe how grateful and blessed I feel right now. Nothing compares to the feeling of being a mother [folded hands emoji],” sambit niya.

Mensahe pa niya sa future moms, “And to those soon-to-be moms like me, going through this whole pregnancy process made me realize how powerful women are.”

“We’ve managed to stay strong for our babies and that’s something to celebrate! I’m pretty sure you are as excited as me as we welcome our little ones into this world [sparkles emoji],” ani pa ni Kris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

Madalas mag-update si Kris pagdating sa kanyang pregnancy journey at as of this writing, 26 weeks pregnant na siya.

Matatandaan noong Marso ay inanunsyo ni Kris at ng kanyang mister na si Perry Choi ang bagong journey ng kanilang buhay sa pamamagitan ng napaka-cute na posters nitong buwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending