Maja inaming may takot sa pag-aasawa: 'Pinagpe-pray ko na magtuluy-tuloy na ma-bless ako ng isang magandang marriage kasi...' | Bandera

Maja inaming may takot sa pag-aasawa: ‘Pinagpe-pray ko na magtuluy-tuloy na ma-bless ako ng isang magandang marriage kasi…’

Ervin Santiago |August 02,2023
facebook
share this

Maja inaming may takot sa pag-aasawa: ‘Pinagpe-pray ko na magtuluy-tuloy na ma-bless ako ng isang magandang marriage kasi…’

Ervin Santiago - August 02, 2023 - 07:28 AM

Maja inaming may takot sa pag-aasawa: 'Pinagpe-pray ko na magtuluy-tuloy na ma-bless ako ng isang magandang marriage'

Maja Salvador at Rambo Nuñez

BAGO pa maganap ang sosyalerang destination wedding nina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa Bali, Indonesia ay nagpakasal na pala sila noong Pebrero, 2023.

Pag-amin ng actress-TV host sa isang panayam, nagpakasal sila ni Rambo sa pamamagitan ng isang civil wedding noong February 14, 2023, ang mismong araw ng kanilang 4th anniversary bilang couple.

Ito’y pinangasiwaan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na ginanap sa Grand Hyatt Manila, Bonifacio Global City.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Dapat talaga isang beses lang. Pero, since pinili namin to have a destination wedding, hindi kasi iho-honor ng Philippines yung wedding namin sa Bali,” ang rebelasyon ni Maja sa interview ng Preview.ph.

Kuwento pa ng wifey ni Rambo, umabot lamang sa 60 katao ang inimbita nilang bisita para sa kanilang civil union na binubuo ng kani-kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Aniya pa, pinayagan nila ang pagkuha ng litrato at video sa kanilang civil union ngunit nag-request sila na huwag muna  itongg i-post sa social media.

Baka Bet Mo: Maja sa pagpapakasal kay Rambo: Napag-uusapan pero si God pa rin ang bahala, sa tamang panahon…

“Lalo na ngayon, digital na sobra. May cellphones and all, and everyone can be the paparazzi,” chika ni Maja kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng mga bisita nila na sumunod naman sa kanilang pakiusap.

Tinupad naman daw ni Rambo ang promise nito sa kanya na mangyayari ang kanyang dream wedding anuman ang mangyari, at yan nga ay ang ikasal sa beach.

“‘Yung nakita ko ’yung invitation, my gowns, my shoes, parang nandun ’yung feeling na mangyayari na talaga. Sinabi ni Rambo na, ‘I’ll give you the best wedding, your dream wedding.’ It’s really happening, talagang ibibigay niya,” sabi pa ni Maja sa nasabing interview.

Naging emosyonal naman ang aktres at TV host nang mapag-usapan ang pagkakaroon ng mga anak ngayong kasal na sila ni Rambo. Feeling ni Maj, magiging mabuti naman daw siyang ina sakaling biyayaan sila agad ng baby.

Hangga’t maaari ay ayaw niyang maranasan ang mga nangyari sa kanyang nanay noong bata pa siya.

“May takot talaga. Pinagpe-pray ko na magtuloy-tuloy na ma-bless ako ng isang magandang marriage para hindi ma-experience ng mga anak ko kung ano ’yung na-experience ng mommy ko,” sabi ni Maja.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang mga magulang niya ay si Thelma Andres at ang yumaong aktor na si Ross Rival.

Pero naniniwala rin siya na, “Magbabago talaga ’yun, pag nahanap mo ’yung tamang guy. Kahit na parang feeling mo, sobrang solid ka na sa desisyon mo na ayaw mo talaga.”

Nabanggit din ni Maja sa nasabing panayam na ngayong may asawa na siya, magiging priority na niya ang kanyang pamilya, lalo na kapag nagkaanak na sila ni Rambo.

“Gusto ko naman may time with them, ayaw ko nang puro lang ako work. Kaya ako nagpapakapagod ngayon kasi, pag may kids na, gusto ko gampanan ko talaga ’yung role ko, na maging wife at maging isang mommy. ’Yun ’yung pinaka dream role ko rin, sa lahat-lahat,” pahayag ni Maja.

Samantala, pagkatapos ng kanilang bonggang-bonggang wedding sa Bali, Indonesia, magha-honeymoon naman ang bagong kasal sa Europe.

Ivana Alawi tinupad ang ‘dream destination’ ng ina, pinagkaguluhan ng mga Pinoy sa Paris

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang ‘final destination’ ang pag-ibig, dumadaan tayo sa parehong emosyon – Jeremy G

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending