Andrea Torres may 5 manliligaw, pero wala pang nagugustuhan; may mga hindi kayang isakripisyo para sa love | Bandera

Andrea Torres may 5 manliligaw, pero wala pang nagugustuhan; may mga hindi kayang isakripisyo para sa love

Ervin Santiago |August 02,2023
facebook
share this

Andrea Torres may 5 manliligaw, pero wala pang nagugustuhan; may mga hindi kayang isakripisyo para sa love

Ervin Santiago - August 02, 2023 - 07:27 AM

Andrea Torres may 5 manliligaw, pero wala pang nagugustuhan; may mga hindi kayang isakripisyo para sa love

Andrea Torres

IBINANDERA ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres na single pa rin siya hanggang ngayon at in fairness, nae-enjoy naman daw niya ito nang bonggang-bongga!

Naniniwala ang dalaga na hindi talaga hinahanap ang dyowa, darating at darating daw ito sa tamang panahon at pagkakataon.

Pero sey ni Andrea, may lima raw siyang manliligaw ngayon. Yan ang ni-reveal niya sa panayam niya kamakailan sa “Fast Talk with Boy Abunda” ng GMA 7.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres)


“Are you in a relationship?” ang diretsahang tanong ni Tito Boy kay Andrea na sinagot ng dalaga ng, “No Tito Boy. Single.”

“Naniniwala po kasi ako Tito Boy na may season for that, hindi mo siya kailangang hanapin.

“Like ako, home buddy ako, kung time ko na talaga, maybe sa isang punta ko sa grocery nandoon siya. Hindi ko siya kailangang pag-effort-an talaga,” paliwanag ng Kapuso star.

At sa tanong ni Tito Boy sa “Fast Talk” segment kung ilan ang suitors niya ngayon, “Five,” ang mabilis namang sagot ni Andrea.

Baka Bet Mo: Lovelife hugot ni Andrea: Hindi definition ng love ‘yung give ka nang give at lahat-lahat ibubuhos mo, kailangan balance lahat

Pero aniya, huli pa siyang nakipag-date four months ago at mukhang wala pa talaga siyang napupusuan ngayon para ipalit sa ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay na super happy na sa kanyang wifey na si Ellen Adarna.

Samantala, ibinahagi rin ng sexy actress ang mga hindi niya kayang isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig, “My values, family, and ngayon na-realize ko po, ‘yung dreams ko, mga personal kong pangarap.

“Dati kasi meron akong ganu’ng thinking, parang ‘All mine to give,’ ang sarap kasi ng feeling na ganu’n. Pero na-realize ko po na hindi, dapat balanced lang parati,” pahayag pa ni Andrea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres)


Nabanggit din ni Andrea na hindi dapat i-stereotype ang mga lalaki sa usapin ng pakikipagrelasyon, “Kung kilala ang isang tao bilang, let’s say playboy.

“Baka kasi nandoon na siya sa time ng buhay niya na nag-mature na siya. So hindi porke ‘yun ang image niya, ‘yun na agad ang judgement mo sa tao.

“I feel din kasi na may tamang lalaki for you. Hindi porke’t hindi nag-work ‘yung relationship niyo, merong isa sa inyo na may diperensiya. Meron lang tamang personality for your personality and vice versa,” paniniwala pa ni Andrea.

Tungkol naman sa mga natutunan niya pagkatapos mabigo sa pag-ibig, “Feeling ko I’m stronger than I think. Kasi kapag in love ka feeling mo parang guguho ang mundo kapag nagkahiwalay kayo.

“Pero every time you go through a relationship, nagbi-build sa karakter mo na ‘Ay, kaya ko pala.’ So mas nagiging confident ka,” sey pa ni Andrea.

Payo ni Andrea sa mga minalas sa lovelife: Magdasal nang taimtim at iwasang maging nega

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea: Maraming tao na hindi ka maiintindihan, kahit good intentions ’yan puwede pa rin nilang maliin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending