Payo ni Andrea sa mga minalas sa lovelife: Magdasal nang taimtim at iwasang maging nega Bandera

Payo ni Andrea sa mga minalas sa lovelife: Magdasal nang taimtim at iwasang maging nega

Ervin Santiago |April 28,2021
share this

Payo ni Andrea sa mga minalas sa lovelife: Magdasal nang taimtim at iwasang maging nega

Ervin Santiago - April 28, 2021 - 09:29 AM

KINUMPIRMA ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres na hindi naging madali para sa kanya ang mag-move on sa paghihiwalay nila ni Derek Ramsay.

Ngunit kahit na mahirap at masakit, matapang na hinarap ng dalaga ang pagkabigo sa pag-ibig hindi lang para sa kanyang sarili kundi para na  na rin sa kanyang pamilya.

Ani Andrea, napakalaki ng naitulong sa proseso ng pagmu-move on ng kanyang pananampalataya sa Diyos at pagiging positibo sa buhay

“You have to pray bago ang lahat para at least, kahit anong mangyari or kahit anong ma-feel mo or kung ano ang sitwasyon na mapuntahan mo, alam mo na may mas malaking plan pa.

“Kumbaga, hindi ka magpo-focus doon sa situation na ‘yun at alam mong may mas malaking plan na nakalaan for you,” pahayag ni Andrea sa isang panayam ng GMA.

Aniya pa, “So positive ka lang palagi. Basta ‘yun ang palagi kong rule, kailangan positive lang ako lagi, nandoon lagi ‘yun sa isip ko.”

Dagdag pa ng sexy actress, nagpapasalamat siya sa GMA sa patuloy na suporta at pagtitiwala sa kanya lalo na ang pagkuha sa kanya bilang bahagi ng upcoming drama series na “Legal Wives”.

Bukod nga sa mga proyekto niya sa GMA, kinakarir din ni Andrea ang kanyang fitness goals, “Actually, challenging nga sa akin ‘yung home workout kasi mahilig talaga ako sa environment ng gym, ‘yung maraming weights.

“Gusto ko ‘yung may trainer ako kasi medyo na-trauma na rin ako dati dahil meron akong maling nagawa na exercise.

“Dahil meron akong injury, ang ginawa ko, nagtingin-tingin ako ng videos sa YouTube kung ano puwede kong gawin sa bahay na workout.

“‘Tapos meron din yung mga two-week challenge, three-week challenge, maganda na sumunod ka talaga sa mga ganoon kasi masasayangan ka kapag naka-miss ka ng day kasi ‘yung progress mo ando’n na, e.

“Kapag nag-stop ka, may guilt feeling ka na baka mag-start ka na naman sa umpisa so ‘di mo makuha ‘yung results na sinasabi so ‘yun siguro ang gawin mong panimula. Kumbaga, may susundan kang plan,” aniya pa.

Speaking of “Legal Wives,” gagampanan ng aktres ang karakter ni Diane, ang Katolikong misis ni Ishmael, na gagampanan naman ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

“Actually, mahilig po ako manood at magbasa-basa tungkol sa (couples na magkaiba ang religion), tungkol sa mga relationships. Hindi lang sa couples, e, pati sa family, pati sa friends ganyan.

“So marami na rin po akong nabasa and marami na rin sa akin nakukuwento ‘yung mga friends ko so nakatulong po ‘yun para, at least, mas malaman ko ‘yung pinanggagalingan ni Diane,” kuwento niya.

Halos isang buwan ding nawalay sa pamilya si Andrea noong sumabak sila sa unang cycle ng kanilang lock-in taping para sa “Legal Wives.” Kaya naman dobleng ingat ang ginagawa niya ngayon at hangga’t maaari ay hindi na talaga sila lumalabas.

“Ayoko muna talaga, mas gusto ko dito lang sa bahay as much as possible, just to be safe kasi, siyempre, mayroon akong mga kasamang senior tapos ‘yung youngest namin PWD so dito lang sa bahay.

“More of bonding lang with the family, especially, kasi magla-lock-in pa ko sa Legal Wives na, usually, two to three weeks so susulitin ko na ‘yung time na magkakasama kami,” sey pa ni Andrea nang matanong kung may balak ba siyang mag-quick summer vacation.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending