Lovelife hugot ni Andrea: Hindi definition ng love 'yung give ka nang give at lahat-lahat ibubuhos mo, kailangan balance lahat | Bandera

Lovelife hugot ni Andrea: Hindi definition ng love ‘yung give ka nang give at lahat-lahat ibubuhos mo, kailangan balance lahat

Ervin Santiago |August 29,2022
facebook
share this

Lovelife hugot ni Andrea: Hindi definition ng love ‘yung give ka nang give at lahat-lahat ibubuhos mo, kailangan balance lahat

Ervin Santiago - August 29, 2022 - 07:56 AM

Andrea Torres

“ANG sarap kapag na-in love ka sa journey ng self-love and self-discovery.”

Isa lamang yan sa mga natutunan ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres pagkatapos ng controversial breakup nila ng hunk actor na si Derek Ramsay.

Ayon sa dalaga, super happy daw ang buhay niya ngayon bilang isang single and independent woman na matapang na lumalaban para sa kanyang karapatan, paniniwala at paninindigan.

Alam naman ng lahat ang kinauwian ng relasyon nina Andrea at Derek noong 2020 na inakala ng marami na mauuwi rin sa kasalan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ng ex-couple ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sa panayam ni Camille Prats kay Andrea na mapapanood sa YouTube channel nito, ibinahagi ng aktres ang mga realizations niya matapos dumaan sa napakasakit na breakup.

“Kailangan mayroon ka ring identity. Kailangan i-spoil mo ang sarili mo. Hindi definition ng love ‘yung ganoon na kailangan give, kailangan lahat lahat ibuhos mo. Kailangan balance with everything talaga,” pahayag ng dalaga.

View this post on Instagram

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres)


Naniniwala rin si Andrea na darating din ang tamang panahon na makikilala niya ang lalaking itinadhana para sa kanya kaya raw ayaw din niy itong madaliin.

“Ibibigay naman siya ni Lord kapag ready na. At saka Mars, nandoon na ako sa point na siguro 28 pa lang ako, sinabi ko ready na akong ikasal. Pero ngayon na-realize ko na ang dami ko pa palang gustong gawin,” sabi ni Andrea.

Sa ngayon, mas gusto raw niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang showbiz career at ang pag-discover sa kanyang sarili at ang tinatawag na self-love.

“Na-enjoy ko yung pag-discover ng sarili ko. Ang sarap ‘pag na-in love ka sa journey ng self-love and self-discovery,” aniya pa.

Nauna rito, nabanggit din ni Andrea sa isang panayam na inatake siya ng depresyon dahil sa paghihiwalay nila ni Derek. Nawalan siya nang gana noong panahong yun at kahit maliit lang na bagay ay iniiyakan niya na malayung-malayo sa dati niyang ugali at personalidad.

“Wala ka nang ganang gumawa ng kahit ano. Ayaw mo nang tumayo, and every little thing iniiyakan mo. Parang lahat nagti-trigger sa ‘yo. Na ang layo-layo sa Andrea, sa usually Andrea na masayahin, positive.

“Allergic ako sa negative, e, kapag na-feel ko na may nega na, shift ko agad ‘yan, e. Pero nu’ng time na yun, bagsak talaga,” ang pahayag ng dalaga sa YouTube vlog ni Toni Gonzaga na may titulong “What Andrea Torres Learned From Her Last Relationship.”

Kuwento ng aktres, isang mahabang proseso rin ang ginawa niyang pagmu-move on na sinimulan niya sa taimtim na pagdarasal at pagbabasa ng Bible.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayun yung nag-church na ako. Ang nilapitan ko yung mga taong alam kong parang may deeper understanding kay God,” sabi ni Andrea.

Payo ni Andrea sa mga minalas sa lovelife: Magdasal nang taimtim at iwasang maging nega

Maine: Parang lahat po ng ginagawa ko sa buhay ko, kinakabahan ako!

Anji Salvacion muntik nang layasan ang showbiz: Thank God nahimasmasan ako, He gave me a sign

KD Estrada nagtapat na kay Alexa Ilacad: I want to be with you…I want to give you what you deserve

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending