Wilbert to the rescue kay Herlene: ‘Hindi man marunong mag-Ingles may napatunayan naman siya sa 2 national pageant!’
SA kabilang ng kakulangan sa kasanayan sa Ingles, tila ipinagsigawan pa rin ng dating talent manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino ang mga nakamit na achievements ng kanyang dating alaga.
Ipinunto pa nga ni Wilbert na nakamit ni Herlene ang Binibining Pilipinas 2022 first runner-up at Miss Tourism Philippines 2023.
Ang pinaghugutan ni Wilbert kaya niya ‘yan sinabi ay matapos tuluyan nang tuldukan ng beauty-queen actress ang pagsali sa mga beauty pageant.
“Hindi man marunong mag ingles si Herlene bagkus dalawang national pageant may napatunayan naman sya: Binibining Pilipinas 2022 1st runner up at ngayon Miss Tourism Philippines 2023. Not bad at all,” komento niya sa ibinalita ng showbiz platform na The Scoop sa Facebook.
Aniya pa, “Achievement is achievement parin! Daming bashers na wala naman ambag sa community.”
Baka Bet Mo: Herlene Budol todo-pasalamat kay Wilbert Tolentino: Dito pa rin ako, walang magbabago
Sinabi rin ni Wilbert na hindi dapat minamaliit si Herlene dahil bukod sa mga na-achieve sa pageantry ay isa rin itong epektibo na aktres, komedyana at endorser.
“Huwag kayo mag under estimate ng tao. from comedian squammy to drama actress nga na transform niya sa ‘Magandang Dilag’ as lead role,” sey niya.
Patuloy pa niya, “From Comedian Squammy to Endorser effective siya at puro renew mga kontrata niya. From bardugulan, TV host at boyish, na-transform siya beauty queen for [only a few] months.”
Hindi rin daw tama na mahusgahan agad ang aktres sa kanyang mga pagkakamali.
Lahad ng talent manager, “Kaliwa’t kanan ang proyekto at bilang lang sa daliri ang pageant training niya. Kung maka husga kayo wagas.”
“Bata pa siya at marami pa siya pagkakataon para matuto. lagi niyo tatandaan bilog ang mundo. Sana hindi niyo maranasan yung mental health na pinagdaanan niya,” babala pa niya sa bashers.
Noong July 27 lamang ay naging emosyonal at umiyak si Herlene habang inaanunsyo niya na hindi na siya sasali sa beauty pageants.
Paliwanag niya, ilang beses na kasi siyang napapaasa na makakasali sa international pageants ngunit lagi raw itong hindi natutuloy.
Dahil daw diyan ay pakiramdam niyang hindi ito ang nakatadhana sa kanya.
Noong July 24 naman ay opisyal nang binitawan ni Wilbert ang pagiging talent manager kay Herlene.
Ayon sa kanya ay gusto na niyang pagtuunan ng pansin ang pag-aalaga sa sariling anak at ang kanyang kalusugan.
Related Chika:
Herlene Budol pinayuhang iwan na ang manager na si Wilbert Tolentino, pine-pressure nga ba?
Ogie Diaz tumanggi sa bayad ni Wilbert Tolentino nang makipag-collab sa kanya: I-donate mo na lang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.