Julie Anne, Jolina pinatunayang walang isyu sa kanila matapos magbardagulan ang fans kung sino ang tunay na 'Pop Icon' | Bandera

Julie Anne, Jolina pinatunayang walang isyu sa kanila matapos magbardagulan ang fans kung sino ang tunay na ‘Pop Icon’

Ervin Santiago |July 31,2023
facebook
share this

Julie Anne, Jolina pinatunayang walang isyu sa kanila matapos magbardagulan ang fans kung sino ang tunay na ‘Pop Icon’

Ervin Santiago - July 31, 2023 - 07:51 AM

Julie Anne, Jolina pinatunayang walang isyu sa kanila matapos magbardagulan ang fans kung sino ang tunay na 'Pop Icon'

Julie Anne San Jose at Jolina Magdangal

MUKHANG magiging suki na ang Asia’s Limitless Star at Kapuso TV host-actress na si Julie Anne San Jose sa “It’s Showtime” ng ABS-CBN.

Sa pagbubukas ng 7th season ng “Tawag ng Tanghalan” sa “Showtime” nitong nagdaang Sabado, July 29, ay naging special guest hurado si Julie Anne kasama ang iba pang Kapamilya stars.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na umapir si Julie Anne sa programa ng ABS-CBN, na napapanood na rin sa GTV  channel na pag-aari n GMA Network. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga manonood dahil feeling nila may chance na maging semi-regular na ang dalaga sa programa.

Bago pa mapanood si Julie sa pagbabalik ng “TNT” para sa bago nitong edisyon ay may pa-teaser muna ang “Showtime” about this sa kanilang official Facebook page.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🍀🦋 Jolina Magdangal Escueta 🦋🍀 (@mariajolina_ig)


“Madlang People! Limitless ang pangmalakasang kantahan sa tanghalian!” ang nakalagay sa caption ng post last July 27.

Dito, nakasama nga ng girlfriend ni Rayver Cruz bilang isa rin sa mga hurado ang tinaguriang original “Pop Icon” na si Jolina Magdangal. Ka-join din sa lineup ng judge sina Ogie Alcasid, Kean Cipriano at Marco Sison.

In fairness, pinusuan at ni-like nang bonggang-bongga ng mga netizens ang litrato nina Jolens at Japs (palayaw no Julie Anne) na kuha sa studio ng “Showtime.”

Pinatunayan nga ng dalawa na walang isyu sa pagitan nila matapos mag-away-away at magbardagulan ang kanilang mga fans tungkol sa kung sino ang karapat-dapat tawaging “Pop Icon”.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi nga ni Jolens ang photo nila together ni Julie Anne at nagpasalamat sa “It’s Showtime” dahil sa nabigyan siya ng chance na makilala at makasama ang Kapuso star.

Baka Bet Mo: Jolina naiyak nang balikan ang naging challenge sa pagsasama nila ni Mark: ‘Na-test din kami dahil wala kaming helper’

“Finally… it’s really nice to see you, chika with you and laugh with you. Labyu Japs!

“Thank you @tawagngtanghalan and @itsshowtimena for this opportunity,” ang mensahe ni Jolina kay Julie.

“Love you ate Jolens @mariajolina_ig,” ang sagot naman sa kanya ng Kapuso actress-TV host at singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)


Noong unang mag-guest si Julie sa  “Showtime” ay hindi sila nagkita ni Jolina dahil wala ito sa nasabing episode kaya naman maraming fans ang nanghinayang dahil nga inaabangan ma nila ito.

Kaya sa muling pagkukrus ng kanilang landas, bumuhos ang magagandang comnments mula sa mga netizens.

“Nakakamiss lalo yung SOP/Party Pilipinas days. all is well between Julie and Ms. Jolina so sana this will put an end na sa mga issues and fanwar.”

“Pop lcons in different Generations.”

“Utang na loob! Nung 90s walang hindi nakakakilala kay Jolina kahit mga tao sa bundok kilala sya. Ganun sya kasikat!”

“Pop icons in one frame!”

“Huwag na pag-awayin okay naman sila!”

“May aaminin lang po ako sa iyo @mariajolina_ig. Naging fan muna ako ni @myjaps nung 2012 bago ako naging fan mo all the way since 2015 pero favorite ko po kayong dalawa. Sana po @mariajolina_ig maging mabuting kaibigan ka ni @myjaps kahit maraming mga fans niyong dalawa ang nag-aaway online dahil lamang sa Pop Icon title na nararapat po sa iyo.”

Matatandaang noong nasa GMA pa si Jolina ay magkasama sila ni Julie Anne sa dating musical variety shows na “SOP,” “Party Pilipinas,” at “Sunday All-Stars.”

Julie Anne na-shock nang i-unfollow ni Janine sa IG: Basta po malinis ang aking kunsensiya…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rayver sa relasyon nila ni Julie Anne: What you see is what you get, kung ano ‘yung nakikita nila ‘yun naman ‘yun, eh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending