'Tawag ng Tanghalan' contestant patay matapos mabiktima ng hit-and-run sa Davao City, driver hinahanting na ng pulis | Bandera

‘Tawag ng Tanghalan’ contestant patay matapos mabiktima ng hit-and-run sa Davao City, driver hinahanting na ng pulis

Ervin Santiago |July 10,2023
facebook
share this

‘Tawag ng Tanghalan’ contestant patay matapos mabiktima ng hit-and-run sa Davao City, driver hinahanting na ng pulis

Ervin Santiago - July 10, 2023 - 11:17 AM

'Tawag ng Tanghalan' contestant patay matapos mabiktima ng hitrun sa Davao City, driver hinahanting na ng pulis

Mark Ken Mariscal

NAMATAY ang isang “Tawag Ng Tanghalan” contestant matapos mabiktima ng hit-and-run sa Davao City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng mga rumespondeng pulis ang nasawing biktima na si Mark Ken Mariscal, 28, na sumali sa singing contest ng “It’s Showtime” noong 2019.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Buhangin Police, naganap ang aksidente sa kahabaan ng Cabantian Road, 2:45 a.m., nitong nagdaang Linggo, July 9.

Nakaangkas umano si Mark Ken sa motorsiklong minamaneho ng kasama niyang si Ruben Borgonia at bumibiyahe patungong Barangay Indangan.

Nang makarating sa tapat ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) ay tumigil sandali ang dalawa para umihi. Biglang nawalan ng balance ang nasawing biktima habang pababa ng motorsiklo.

Baka Bet Mo: Luis galit na galit sa mga nale-late; bakit ‘Lucky’ at ‘bako-bako’ ang tawag sa kanya noong bata?

Natumba si Mark Ken sa may kalsada at nang makita ng kanyang kasamahang lalaki ang parating na puting sasakyan agad niya itong pinara at sinenyasan na huminto.

Pero sa kabila nito, nagtuluy-tuloy ang driver ng rumaragasang sasakyan hanggang sa masagasaan ang biktima.

Mabilis namang naisugod si Mark Ken ng mga rescuer mula sa Central 911 sa Southern Philippines Medical Center (SPMC), pero hindi na nga ito umabot ng buhay.

Nangako naman ang mga operatiba ng Buhangin Police na tututukan nila ang kaso ng dating “It’s Showtime” contestant para makilala ang driver na nakasagasa sa biktima.

Hinikayat din nila ang mga taong nakasaksi sa insidente at sa lahat ng may nalalaman sa kinaroroonan ng suspek na ipaalam agad ito sa pulisya.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng statement ang pamilya ni Mark Ken.

Luis galit na galit sa mga nale-late; bakit ‘Lucky’ at ‘bako-bako’ ang tawag sa kanya noong bata?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden Richards pasok na sa mga anak-anakan ni Sharon sa showbiz: ‘We are now so bonded, and my three younger children now have a Kuya!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending