Alyssa Alvarez pinalagan ang mga komentong dapat na-gong sa Tawag Ng Tanghalan: Sana kayo na lang nag-judge | Bandera

Alyssa Alvarez pinalagan ang mga komentong dapat na-gong sa Tawag Ng Tanghalan: Sana kayo na lang nag-judge

Therese Arceo |July 08,2023
facebook
share this

Alyssa Alvarez pinalagan ang mga komentong dapat na-gong sa Tawag Ng Tanghalan: Sana kayo na lang nag-judge

Therese Arceo - July 08, 2023 - 07:00 PM

Alyssa Alvarez pinalagan ang mga komentong dapat na-gong sa Tawag Ng Tanghalan: Sana kayo na lang nag-judge
UMALMA ang ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez sa mga netizens na nagsasabing dapat daw ay na-gong siya sa kanyang pagkanta sa Tawag Ng Tanghalan.

Sumali kasi ito sa naturang segment ng “It’s Showtime” at ang piyesang kinanta nito ay ang “Sana’y Wala Nang Wakas”.

Marami sa mga netizens ang nagtaka kung bakit hindi na-gong si Alyssa gayong hindi naman nito naabot ang matataas na nota ng kanta.

Sa pamamagitan ng isang TikTok video ay nagsalita na ang ina nina AJ at Vanessa hinggil sa mga komento ng netizens.

Aminado naman si Alyssa na hindi naging perfect ang kanyang naging pagkanta kaya nagpapasalamat siya na hindi siya nabilangan ng mga hurado para ma-gong. Ngunit kahit naman daw ganoon ay hindi siya nakaligtas sa mga komento ng mga ito.

“Hayun nga, minsan may mga taong ang kikitid ng utak…actually hindi ko alam kung matatawa ako o magagalit ako.

Baka Bet Mo: Alyssa Alvarez nilinaw ang isyu kung anak ni Jeric Raval si Vanessa: Walang salisihang nangyari

“Aminado naman ako, kasi nasa live na contest ako, hindi ko naman naiiwasan ‘yong nerbisyosin. Normal lang yun pero hindi naman malala yung mga hindi ko tinamaang nota. Pero okay lang yun, hindi naman ako galit sa kaniya,” sey ni Alyssa.

Kaya naman inalmahan ni Alyssa na dahil sa kanyang pangalan kaya hindi siya na-gong dahil naging totoo naman ang mga ito sa kanilang mga sinabi.

“Singing contest yun, hindi yun popularity contest… Ang mahalaga kasi naitawid ko yung kanta,” pagpapatuloy pa nito.

Hirit pa ni Alyssa, “Sana kayo na lang nag-judge. Anong klaseng mindset yung alam ninyo? Pag ba na-gong yung isang contestant magiging masaya kayo? Ang tatangkad naman ng mga sungay n’yo sa ulo!

“Magaling ba kayong kumanta? Singer din po ba kayo? Baka nga mamaya hindi pa kayo mga tax payers eh, para magkaroon kayo ng ambag sa Pilipinas. Hay naku, sayang kasi kapwa mo Pilipino ganyan.”

Sinabi pa ni Alyssa sa mga bashers na magtrabaho na lang ang mga ito.

“Magtrabaho kayo ha, nang maayos para sa pamilya n’yo, mangarap din kayo,” talak pa niya.

Related Chika:
Cristy Fermin pumalag sa ina ni AJ Raval: Hindi ninyo pa diniretso na huwag pakialaman ang buhay ng anak n’yo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nanay ni AJ Raval ipinagtanggol si Aljur sa basher: Sino ka para manghusga?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending