Julie Anne na-shock nang i-unfollow ni Janine sa IG: Basta po malinis ang aking kunsensiya... | Bandera

Julie Anne na-shock nang i-unfollow ni Janine sa IG: Basta po malinis ang aking kunsensiya…

Ervin Santiago |April 07,2022
facebook
share this

Julie Anne na-shock nang i-unfollow ni Janine sa IG: Basta po malinis ang aking kunsensiya…

Ervin Santiago - April 07, 2022 - 11:41 AM

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

#SHOOKT ang Kapuso actress-singer at TV host nang malamang in-unfollow siya sa Instagram ng dating dyowa ni Rayver Cruz na si Janine Gutierrez.

Walang maisip na dahilan ang dalaga kung bakit in-unfollow siya sa IG ng dating Kapuso star dahil wala naman daw siyang alam na nagawang nega o sablay laban sa aktres.

Nakachikahan uli ng ilang members of entertainment media si Julie Anne kahapon sa virtual mediacon ng ikatlong installment ng kanyang “Limitless: A Musical Trilogy” na “Rise” na mapapanood online sa April 9 at 10, 2022.

Dito, muling natanong ang host ng “The Clash” kung nanliligaw na ba sa kanya si Rayver Cruz at kung nag-level up na ang kanilang relationship as special friends.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE 💕 (@janinegutierrez)


Sagot ni Julie Anne, “Ang tingin ko po, mas mabuting siya na lang po ang tatanungin niyo. Parang mas okay po kung sa kanya po manggagaling. But we’re very okay.”

Ibig sabihin, tulad ng ex-dyowa ni Rayver na si Janine at ng rumored boyfriend nitong si Paulo Avelino, maligaya rin ngayon sina Julie Anne at Rayver sa piling ng isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)


Kasunod nito, natanong din si Julie Anne kung ano ang naging reaksyon niya sa balitang pag-unfollow sa kanya ni Janine sa Instagram.

“Nagulat lang din po ako, to be honest. Pero wala naman po sa akin yun. Kasi, lahat naman ng tao ay may kanya-kanyang, like, reasons. May kanya-kanya naman pong dahilan.

“But sa end ko naman po, sa sarili ko, wala naman pong masamang tinapay sa kahit kanino,” sabi pa ng Asia’s Limitless Star.

“Wala po akong problem with anybody and, you know… kumbaga, wala po akong masamang loob po.

“Everyone is entitled to their own opinion kaya kung ano man po yung nangyari before, wala po yun sa akin. Basta po malinis po ang aking konsensiya, at wala… para masaya lang po lahat.

“Kasi, yun naman po ang kailangan natin, di ba, na intindihin yung isa’t isa, since times have been challenging for everyone, kaya ayun.

“Good vibes-good vibes lang po. Wala naman po sa akin yun. Actually, wala naman po talagang kaso sa akin. I’ve always been, you know, like, open naman po ako to friendships,” sabi pa ng Kapuso multimedia star na hanggang ngayon ay pina-follow pa rin naman sa IG si Janine.

Samantala, abangers na nga ang lahat ng fans ni Julie Anne sa huling bahagi ng kanyan “Limitless: A Musical Trilogy” na pinamagatang “Rise” na inaasahang maghahatid na naman ng mga “hugot”, good vibes at inspiring message sa mga manonood.

In fairness, na-sold-out agad ang VIP tickets sa docu-concert ng dalaga kaya naging dalawang araw na ito. Bukod sa recorded part ng show, mapapanood din dito ang “Limitless Live” na ginanap sa Sunlife Ampitheater sa BGC last March 20, kung saan nakasama uli niya si Rayver.

After her self-discovery in Mindanao and Visayas, Julie’s journey becomes everyone’s voyage as well.

In “Rise,” expect Julie to save the best for last as the talented Kapuso artist takes us to the last leg of this extraordinary musical experience set against the backdrop of beautiful Luzon.

Just like in the past two parts of Limitless, OPM takes the spotlight in “Rise” on top of other cover songs. The highlight, of course, will be the unveiling of the full version of a song that was first teased in “Heal.”

“Finally, iri-release na namin siya, very excited for everyone to finally hear the full song. I’ve been writing a lot of songs and this song is one of them. It really means a lot to me kasi parang siya ‘yung naging journey ko sa ‘Limitless,’” lahad pa ni Julie Anne.

https://bandera.inquirer.net/308654/rayver-sa-relasyon-nila-ni-julie-anne-what-you-see-is-what-you-get-kung-ano-yung-nakikita-nila-yun-naman-yun-eh

https://bandera.inquirer.net/308803/wish-ng-fans-nina-julie-anne-at-rayver-sana-kayo-na-lang-sana-kayo-na-please

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/298261/julie-anne-sa-pagkabigo-sa-pag-ibig-bakit-ako-ba-yung-nagkulang-saan-ako-nagkamali

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending