Glaiza takot pa ring mabuntis at manganak: 'Buhay 'yun e, 'di ba? Hindi 'yan parang nag-alaga ka ng plant tapos didiligan mo lang' | Bandera

Glaiza takot pa ring mabuntis at manganak: ‘Buhay ‘yun e, ‘di ba? Hindi ‘yan parang nag-alaga ka ng plant tapos didiligan mo lang’

Ervin Santiago |July 31,2023
facebook
share this

Glaiza takot pa ring mabuntis at manganak: ‘Buhay ‘yun e, ‘di ba? Hindi ‘yan parang nag-alaga ka ng plant tapos didiligan mo lang’

Ervin Santiago - July 31, 2023 - 07:51 AM

Glaiza takot pa ring mabuntis at manganak: 'Buhay 'yun e, 'di ba? Hindi 'yan parang nag-alaga ka ng plant tapos didiligan mo lang'

David Rainey at Glaiza de Castro

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin handa ang award-winning Kapuso actress na si Glaiza de Castro na mabuntis at magkaanak.

Naniniwala si Glaiza na darating din ang tamang panahon para sa pagkakaroon ng baby pero hindi pa raw ito mangyayari in the near future.

Buti nga raw at naiintindihan ng kanyang asawang si David Rainey ang kanyang desisyon na huwag munang mabuntis kaya wala raw talaga itong isyu sa kanilang pagsasama bilang married couple.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)


“Talagang kaming dalawa ni David, very aware kami diyan na ‘Let’s not do this this time’ kasi nga parang sobrang bago pa lang po namin na mag-asawa,” pahayag ni Glaiza sa panayam ng online entertainment show na “Marites University.”

“Dapat may awareness, dapat parehas tayong ready para walang sisihan,” katwiran pa ng Kapuso star.

Hindi naman daw siya nape-pressure o nag-aalala kahit na nakikita niyang may mga anak na ang ilang kaibigan niya. Para sa kanya, mas mabuti na yung super ready na siya sa pagkakaroon ng anak – physically and emotionally.

Baka Bet Mo: Glaiza De Castro sa pagiging ‘hands-on’ sa negosyo: Challenging…it’s something na hindi ko pa ginagawa before

“Buhay ‘yun e, ‘di ba? Hindi lang ‘yun parang nag-alaga ka ng plant tapos didiligan mo lang. Ang dami mong kailangang gawin para mabuhay ‘yung bata.

“Na-observe ko rin sa kanila (mga kaibigang mommy na), tapos parang laging tumatakbo sa isip ko na ‘shocks, kaya ko ba? Parang hindi pa yata,’” punto pa ng aktres.

Isa pa sa mga pumipigil kay Glaiza na magka-baby na ay ang long distance relationship pa rin nila ni David. Nasa Ireland ngayon ang kanyang husband at nasa Pilipinas naman siya para magtrabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)


“We’re also trying to figure out kung paano pa kami magmi-meet kasi sa ngayon, ang set-up namin, punta du’n, ang gastos. Punta ka du’n, tapos punta siya dito, tapos once in a while, punta ako du’n,” aniya pa.

Pero ipinagdiinan naman ni Glaiza na gusto pa rin niyang magka-baby, “Siyempre, iba ‘yung nanay. Iba ‘yung nanay ko, iba ‘yung mga sisters ko, pero kasi ito, mga kaidaran ko talaga e, so parang nag-iba na rin ‘yung dynamics ng pagiging parent ngayon.”

Matatandaang ikinasal sina David at Glaiza sa Ireland noong 2021 sa isang traditional Celtic wedding at noong January, 2023 naman ay muli silang ikinasal dito sa Pilipinas.

Angelica, Glaiza wish na makapag-bonding pa rin nang bonggang-bongga kahit may sarili nang pamilya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Glaiza umamin: Mahal talaga yung relationship namin ni David dahil…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending