Jillian Ward isiniwalat kung sino ang 'showbiz crush', aminadong close kay Jeff Moses | Bandera

Jillian Ward isiniwalat kung sino ang ‘showbiz crush’, aminadong close kay Jeff Moses

Therese Arceo |July 29,2023
facebook
share this

Jillian Ward isiniwalat kung sino ang ‘showbiz crush’, aminadong close kay Jeff Moses

Therese Arceo - July 29, 2023 - 10:41 PM


WALANG pag-aalinlangang sinagot ng Kapuso actress na si Jillian Ward kung sino nga ba ang kanyang celebrity crush.

Kahapon, July 29, na-interview ang dalaga sa “Fast Talk With Boy Abunda” kung saang sumalang siya sa segment nitong Fast Talk.

“Showbiz crush? Ah, Coco Martin,” nakangiting sabi ni Jillian.

Pero sa kanilang naging pg-uusap ni Boy, aminado ang dalaga na iwas na iwas siyang magkaroon ng “crush”.

“Alam n’yo po ba, kasi sila Mama at Papa lagi po nila akong gina-guide ‘di ba? So recently po, parang sobrang iwas po akong magka-crush kasi gusto ko po talagang mag-focus sa work and family na parang sila na po ‘yung nagsasabi, ‘yung mga nasa surroundings ko na po ‘yung nagsasabi na ‘ok lang yan. Pumapayag na kami’,” kuwento ni Jillian.

Baka Bet Mo: Jillian Ward ibinandera ang bonggang sasakyan; tinawag na next ‘Marian Rivera’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagpapatuloy niya, “Pero ako po kasi sa sarili ko mismo, na-instill ko po ‘yung laging gina-guide nila sa akin noong bata pa ako na ‘wag ko pong madaliin or ‘wag pong sobrang mapusok. Sila na po ‘yung nag-e-encourage na ok lang yan. Enjoy-in ko raw po ‘yung pagkabata ko pero ako na po mismo ang strict sa sarili ko.”

Natanong rin si Jillian patungkol sa apat niyang kasamahan sa “Abot Kamay Na Pangarap” na sina Ken Chan, Jeff Moses, Michael Sager, at Raheel Byhria.

Aminado siya na close sila ni Jeff.

“Jeff Moses, super dedicated po siya, sobrang respectful and sobrang motivated niya po sa buhay,” sey ni Jillian.

Hirit naman ni Boy, “Hindi naman nagpaparamdam? Wala namang paramdam?”

Sagot naman ni Jillian, “Alam niyo po may time po ako na nabeburn -out pero yung mga kaibigan ko po like yan si Jeff po tinitignan ko po yung work ethic niya and nai-inspired po ako kasi po sobrang sipag niya.

“Sobrang close niya po sakin, sobrag bait po niya. ako po ewan ko po balewala na I mean basta close po kami.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jillian Ward wish maging superhero: ‘Pag napapanood ko po si Wonder Woman nae-empower ‘yung pagkababae ko’

Jillian Ward sa pagbili ng ‘dream car’ na milyun-milyon ang halaga: I think deserve ko na po yun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending