26 patay sa tumaob na motorbanca sa Binangonan, Rizal

26 patay sa tumaob na motorbanca sa Binangonan, Rizal; 2 Coast Guard personnel sinibak sa pwesto–PCG

Pauline del Rosario - July 28, 2023 - 03:26 PM

26 patay sa tumaob na motorbanca sa Binangonan, Rizal; 2 Coast Guard personnel sinibak sa pwesto–PCG

PHOTO: Screengrab from Facebook/Philippine Coast Guard

UMAKYAT na sa 26 ang mga nasawi sa tumaob na motorbanca sa Binangonan, Rizal.

Ayon ‘yan mismo sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Biyernes, July 28, na ibinandera mismo sa kanilang Facebook account.

Makikita rin sa naturang post ang isang short video na kung saan ay nagsasagawa ang PCG ng search and rescue operations.

Base sa initial report ng mga awtoridad, ang sanhi ng insidente ay dahil sa matataas na alon na dulot ng Bagyong Egay.

Ibinalita rin ng PCG na bukod sa mga naitalang mga nasawi ay 40 naman ang nakaligtas na mga pasahero.

Baka Bet Mo: Lee Ji Han kabilang sa mga nasawi sa Itaewon Halloween stampede

Sumatutal ay umaabot sa mahigit 60 na pasahero ang sakay ng motorbanca, samantalang ang sinasabi nilang maximum capacity ay dapat nasa 42 na katao lamang.

“Sa isinagawang interview, napag-alamang 42 ang ‘maximum capacity’ ng tumaob na bangka, kasama ang dalawang crew at isang boat captain,” saad sa caption ng post.

Maliban sa PCG, nakatakda ring magsagawa ng imbestigasyon sa nangyari ang Philippine National Police (PNP).

Sa hiwalay na FB post, inanunsyo na ni PCG Commandant CG Admiral Artemio Abu na sinibak na nila sa pwesto ang dalawang Coast Guard personnel na kaugnay sa insidente.

Sabi niya, ito ay para masiguro ang pagsasagawa ng “fair, honest, and transparent investigation.”

“The reason why we need to replace or relieve them is para hindi na sila mag-interfere sa fair conduct of investigation,” sey ni Abu.

Pagtitiyak pa niya, “We need to be transparent on this issue to the public.”

Read more:

Kasong concubinage na isinampa ni Jelai Andres laban kay King Badger umakyat na sa korte

MMDA nagbigay ng 30-minute ‘heat stroke break’ sa mga field personnel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending