Kasong concubinage na isinampa ni Jelai Andres laban kay King Badger umakyat na sa korte | Bandera

Kasong concubinage na isinampa ni Jelai Andres laban kay King Badger umakyat na sa korte

Ervin Santiago - March 10, 2022 - 01:35 PM

Jon Gutierrez at King Badger

UMAKYAT na sa korte ang kasong concubinage na isinampa ng Kapuso actress na si Jelai Andres laban sa kanyang estranged husband na si King Badger.

Personal na nagtungo sa Quezon City Regional Trial Court ang rapper at vlogger na si Jon Gutierrez alyas King Badger nitong nakaraang linggo para magpiyansa kaugnay ng kasong Concubinage at Violence Against Women (And Children).

Matatandaang kinasuhan ni Jelai si King Badger noong nakaraang taon dahil sa kasong pakikiapid. Nagkaroon umano ng relasyon ang rapper sa ibang babae na noon ay menor de edad pa lamang.

Sa kasalukuyan ay nasa hustong edad na ang nasabing babae at balitang isinama na rin sa isinampang kaso ni Jelai.

Ang sabi ni Jelai noong nakaraang taon sa kanyang interbyu pagkatapos ihain ang kasong concubinage sa dalawa, “Ang kasal ay isang sakramento, wag nating gawing normal ang pakikiapid.

“Nawa’y maging isang leksyon ito sa mga may mister na pasaway at sa mga babaeng walang pakundangan makipag-relasyon sa mga lalaking alam naman nilang may asawa,” pahayag pa niya.

View this post on Instagram

A post shared by Jelai Andres (@jelaiandresofficial)


Ayon sa abogado ni Jelai na si Atty. Faye Singson ay “Nararapat lamang lang na makamit ni Jelai ang hustisya’t katarungan, sapagkat hindi naging madali ang pinagdaanan niya. 

“Tunay ngang siya ay nahirapan, at matinding trauma ang naranasan niya dahil sa sakit na dulot ng nangyari sa kanila ni King Badger,” sabi pa ng abogado.

Wala pang inilalabas na pahayag si King Badger hinggil sa nasabing kaso. Bukas ang BANDERA sa magiging official statement ng miyembro ng Ex Battalion.

https://bandera.inquirer.net/285555/jelai-dinagdagan-ang-kaso-laban-kay-jon-sobra-na-kasi-masyado-na-akong-tinatapak-tapakan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/302520/jelai-na-depress-dahil-sa-pag-ibig-nakarating-ako-ng-ospital-butas-short-ko
https://bandera.inquirer.net/282369/jelai-andres-sa-bashers-pag-bad-ang-tao-dapat-mas-lalo-kang-maging-mabait-sa-kanya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending