Ice Seguerra ibinandera ang larawan kasama sina Bossing Vic at Alice Dixson: 'Kabisote Family' | Bandera

Ice Seguerra ibinandera ang larawan kasama sina Bossing Vic at Alice Dixson: ‘Kabisote Family’

Therese Arceo |July 27,2023
facebook
share this

Ice Seguerra ibinandera ang larawan kasama sina Bossing Vic at Alice Dixson: ‘Kabisote Family’

Therese Arceo - July 27, 2023 - 09:59 PM

Ice Seguerra ibinandera ang larawan kasama sina Bossing Vic at Alice Dixson: 'Kabisote Family'

PROUD na ibinanderq ng singer-songwriter na si Ice Seguerra ang muling pagsasama nila nina Bossing Vic at Alice Dixson.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang then and now photo sa kanyang onscreen parents.

“Happy to be reunited with my TV parents, Daddy Enteng and Mommy Faye!!!” caption ni Ice sa kanyang post.

Pagpapatuloy pa niya, “Kabisote family!!!”

Ang reunion ng tatlo ay naganap nang mag-guest si Alice sa noontime program na “E.A.T” kung saan hosts sina Bossing at Ice.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa netizens ang muling pagsasama ng tatlo.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam

“The Original Kabisote family!!! My favorite childhood TV show! And every MMFF, nakikipagsiksikan kami sa mga sinehan to watch the movie ! Wala kaming pinalalampas na episodes at movie ng Okay ka Fairy ko!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ok ka fairy ko 2.0 plssssss! Parang ang ganda kung si ice na ang principe K!”

“Kung naabutan mo to, mag asawa ka na!” biro ng isa.

Hirit naman ng isa, “My all time fave fam!!! Alam mo Ice, kahit masilip ko lang kayo sa bentana ng mga kapit bahay namin para mapanuod ko kau sa tv, ang saya saya ko na noon! Wala kasi kaming tv dati o ref. Kaya pag mki balita manilip silip lang sa bentana ng May tv kasi yung iba papa alisin ka kung kelan exciting na yung palabas tas e sara pa pati bentana. Pero hndi parin kami aalis ng mga friends ko as long as marinig lang namin yung palabas imaginin nalang namin mga mukha nyo [laughing emojis]  nakakaloka! [laughing emojis] pero kahit ganun, ang saya parin naming mga batang 90s!”

Matatandaang ang Kabisote family ang bida sa fantasy-comedy TV series na “Okay Ka, Fairy Ko” na pinagbidahan nina Bossing Vic na gumanap bilang si Enteng Kabisote , Alice Dixson bilang Faye Kabisote at si Ice naman ang kanilang anak.

Umere ito sa telebisyon mula November 1987 hanggang April 1997. Ilan pa sa mga casts nito ay sina Charito Solis, Bayani Casimiro Sr., Ruby Rodriguez, Jinky Oda, Larry Silva, Oyo Boy Sotto, Tetchie Agbayani, Richie D’Horsie, at iba pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ice Seguerra umaming tsine-check pa rin ang mga ex-dyowa, OK lang kaya kay Liza Diño?

Bwelta ni Alice Dixson sa mga nang-okray sa kanyang GMA Gala Night yellow gown: Ang tao nga naman…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending