Mensahe ni Sylvia kay Maine bago ikasal: 'Matagal na kitang itinuring na tunay na anak...mula nang minahal mo si Arjo' | Bandera

Mensahe ni Sylvia kay Maine bago ikasal: ‘Matagal na kitang itinuring na tunay na anak…mula nang minahal mo si Arjo’

Ervin Santiago |July 27,2023
facebook
share this

Mensahe ni Sylvia kay Maine bago ikasal: ‘Matagal na kitang itinuring na tunay na anak…mula nang minahal mo si Arjo’

Ervin Santiago - July 27, 2023 - 05:17 PM

Mensahe ni Sylvia kay Maine bago ikasal: 'Matagal na kitang itinuring na tunay na anak...mula nang minahal mo si Arjo'

BAGO maganap ang pinakaaabangang wedding nina Maine Mendoza at Arjo Atayde, nagbahagi ng mensahe si Sylvia Sanchez para sa kanyang future daughter-in-law.

Kung pagbabasihan ang mga naglabasang report kamakailan, ngayong araw, July 28, ang kasal nina Arjo at Maine na magaganap sa isang lugar sa Baguio City.

Ayon sa isa naming source, ilang imbitadong bisita na ng celebrity couple ang umakyat sa Baguio na nakasaksi pa nga sa paghagupit doon ng bagyong Egay. Pero sa kabila nito, mukhang tuloy na tuloy na nga ang kasalan – umaraw man o bumagyo.

Kung hindi kami nagkakamali, ngayong araw pupunta ng Baguio ang respective families nina Maine at Arjo pati na ng mga kasama sa entourage for the Big Day tomorrow.

And before the wedding, sa kanyang Facebook page, nagbahagi si Sylvia ng kanyang mensahe para kay Maine kalakip ang kanilang mga litrato na kuha sa in-organize niyang bridal shower.

“Ito ang isa sa mga dasal ko bilang INA na makasundo ng Pamilya ang mapapangasawa ng mga anak ko.

“Masaya ako at nagpapasalamat dahil ibinigay ng DIYOS ang panalangin kong ito (praying hands emojis),” ang simulang pagbabahagi ng award-winning Kapamilya actress.

Dugtong pa niya, “Matagal na kitang minahal at itinuring na isang tunay na anak mula ng minahal mo ang anak kong si Arjo @mainedcm (heart emoji).

Baka Bet Mo: Sylvia excited na sa bonggang wedding nina Arjo at Maine: ‘Cant wait for the Big Day! Love you, my soon to be daughter-in-law!’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

“Ngayon, hayaan mo naman akong iparamdam sayo ng buong buo ang pagmamahal at pagtanggap sayo bilang isang tunay na anak, gaya ng ipinaramdam sa akin ng mga biyenan ko,” pahayag ni Ibyang.

Excited pang yaya ni Sylvia kay Maine, “Tara na! Mag Yes, I Do ka na para selyado na. Love you Menggay. #ataydemendoza.”

Nauna rito, nagpahiwatig na rin ng excitement si Sylvia sa wedding ng kanyang anak na kongresista at ni Maine. Mismong si Ibyang ang nag-organize ng bonggang bridal shower para sa kanyang future daughter-in-law ilang araw bago maganap ang Big Day.

Base sa mga litrato at video na ibinahagi ng veteran Kapamilya actress, bukod sa kani-kanilang pamilya, dinaluhan din ng ilang malalapit na kaibigan nina Maine at Arjo ang nasabing bridal shower.

Sa Instagram account din ni Sylvia makikita ang ilang kaganapan sa nasabing bridal shower kung saan very obvious ang nararamdamang kaligayahan at excitement ni Maine.

“Happy to welcome you to our big happy and crazy family. Soon!!! Mrs Maine Mendoza Atayde ka na,” ang caption ni Sylvia sa kanyang IG post.

“Cant wait for the Big Day. Love you, my soon to be daughter in law,” dagdag pa niyang mensahe para kay Maine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng TV host-actress sa post ng kanyang future mother-in-law,  “Aahhhh thank you so much Roco, Campo, and Atayde family for last night. Had such a wonderful time with everyone. Thank you, tita… future mom!!! Love you.”

Related Chika:
Sylvia super kilig sa proposal ni Arjo kay Maine: Welcome to the family, thank you for loving my son!

Sylvia Sanchez ibinuking sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo: Sabi sa akin ‘dating’ pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending