Ara Mina: ‘Nakaka-miss yung panahon na buhay na buhay ang cinema…minsan lumabas naman tayo ng bahay ‘wag puro streaming’
NAIYAK si Ara Mina matapos mapanood ang “Litrato” na pinagbibidahan nina Ai Ai delas Alas at Quin Carillo.
Talagang napaiyak siya while watching the movie during its premiere last weekend.
“Actually, Rudolf the red nose reindeer ako ngayon kasi nga ngayon ko lang napanood ‘yung buong pelikula. Na-amaze ako sa movie kasi nakalimutan ko ‘yung pinaka-plot na wala na pala si Angel (Quinn Carillo) doon sa movie kaya ako iyak nang iyak.
“Sabi ko, oo nga pala, doon sa story ay wala na pala siya. Very touching ‘yung film,” say ni Ara.
View this post on Instagram
“Nakaka-miss yung panahon na buhay na buhay ang cinema. So, buhayin po natin ang cinema, ang mga pelikula sa cinema. Minsan naman lumabas tayo ng bahay ‘wag puro streaming. Pagpasok ko kanina, ‘wow, parang lazy boy na ito. Bagong renovate ba ito?” dagdag pa niya.
Actually, may kabuluhan ang movie as it tackles the predicament ng isang ina (Ai Ai) na pinasok sa isang home for the aged. Ang kanyang apong si Angel (Quinn) ang nagpasok sa kanya.
Mahusay ang pagkakatahi ng mga eksena.
Nakakaloka ang emotional devotion ni Ai Ai sa kanyang role. Talagang kaaawaan mo ang kanyang character bilang isang inang inabandona at pinadala sa home for the aged.
Baka Bet Mo: Ara Mina inaming dream come true ang magkaroon ng sariling pamilya: ‘Hindi ko akalain na ikakasal pa pala ako’
Hindi rin naman nagpatalo si Quinn na kapapanalo palang bilang New Movie Actress of the Year para sa pelikulang “Silab” sa katatapos na 38th PMPC Star Awards for Movies.
View this post on Instagram
Bilang Angel, marami sa kanyang mga eksena ay drama, lalo na ‘yung nag-inuman sila ng Edna character ni Ai Ai, siya bilang caregiver nito.
May Alzheimer’s disease ang karakter ni Ai Ai kaya naman wala siyang nakikilala sa kanyang mga kasama sa home for the aged.
Nagbigay din ng makinang na pag-arte si Bodjie Pascua bilang manliligaw ni Ai Ai. The scene where he was waxing eloquence by reciting a poem in Filipino is one of his best performances in the movie.
Sobrang nakakaiyak ang pelikula na idinirek ni Louie Ignacio batay sa panulat ni Ralston Jover. Mapapaisip talaga ang ang mga manonood kung paano sila tatanda, kung paano nila tatanggapin ang katotohanan na mayroong mga anak na ipapadala sila sa home for the aged pagtanda nila.
Showing na today sa mga sinehan ang “Litrato” kaya kung gusto ninyong manood ng drama ay sumugod na kayo sa mga sinehan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.