Toni malapit nang manganak, alagang-alaga ni Direk Paul: 'Thank you for being the best partner in this journey' | Bandera

Toni malapit nang manganak, alagang-alaga ni Direk Paul: ‘Thank you for being the best partner in this journey’

Reggee Bonoan |July 26,2023
facebook
share this

Toni malapit nang manganak, alagang-alaga ni Direk Paul: ‘Thank you for being the best partner in this journey’

Reggee Bonoan - July 26, 2023 - 11:08 AM

Toni malapit nang manganak, alagang-alaga ni Direk Paul: 'Thank you for being the best partner in this journey'

Toni Gonzaga at Paul Soriano

MAY post sina Paul Soriano at Toni Gonzaga-Soriano sa kani-kanilang Instagram Stories na kuha sa isang hospital room kung saan nakahiga ang direktor at producer habang naka-cap at naka-face mask.

Ang caption na nakalagay sa IG post ni Toni ay, “Since the start of July it’s been Home-Doctor-Home-Doctor for me.

“Thank you for never leaving my side in this last stretch…needed you now more than ever.  Thank you for being the best partner in this journey. Anytime now…love you @paulsoriano1017,” sabi pa ng TV host-actress. Ang tinutukoy kaya niyang “anytime now” ay ang nalalapit niyang panganganak?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ni-repost naman ng direktor ang ibinahaging litrato ng kanyang asawa sa kanyang IG account kung saan sinabi niyang, “Kuya Seve and I are always here for you.”

Ito nga kaya ang sagot ni direk Paul sa isinulat namin dito sa BANDERA na kaya hindi sila nakasipot na mag-asawa sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos, nitong Lunes, Hulyo 24 ay dahil bedrest si Toni sa hospital?

At kaya hindi rin si direk Paul ang nagdirek ng SONA ni PBBM ay dahil hindi niya maiwanan ang asawa base na rin sa post ni Toni sa kanyang IG story?

Baka Bet Mo: Toni sa pagkanta ng ‘Lupang Hinirang’ sa inagurasyon ni Bongbong Marcos: I am truly honored and humbled…

Dagdag impormasyon pa kaya hindi raw napagkikita si direk Paul sa opisina niya sa Office of the Presidential Adviser on Creative Communications ay dahil naka-leave siya para bantayan ang asawa.

Sinulat kasi namin dito sa BANDERA ang blind item ni Nanay Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika na “Cristy Ferminute” sa OnePH YouTube channel nitong Martes ng tanghali.

“Meron pong isang personalidad, appointee ito sa ating pamahalaan na naku talagang hindi na puwedeng makita ngayon ng isang mataas na tagapamuno dahil nagsalita ng, ‘Ayoko na siyang makita dito sa opisina ko kahit saan, ayaw ko ng makita ang pagmumukha ng taong ‘yan!’” ang rebelasyon ni ‘Nay Cristy.

Sagot ni Romel Chika, “Ay, kinasusuklaman na ang peg!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)


“Oo, hindi na siya pupuwedeng makita nu’ng mataas na tagapamuno, akala ko ba powerful kayo? O, walang forever!  ‘Yun lang ‘yun. O, hanggang doon lang tayo Romel ha, basta mararamdaman natin parang nawawala na sila ngayon sa sirkulasyon.

“Mga powerful na nawalan ng powers!” sabi ulit ng “CFM” host.

Si direk Paul ang naringgan naming nagsabi ng “powerful” na pinatutungkulan ang asawang si Toni. Aniya, “Probably the most powerful celebrity today. Whether you love her or hate her, you have to give credit where credit is due.”

Hayan may sagot na si Direk Paul kung bakit wala sila ni Toni sa SONA at hindi siya nakikita ngayon sa kanyang opisina sa Malakanyang.

Toni bibida sa international movie kasama si Dante Basco; buong pelikula isu-shoot sa US

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Impersonator ni Toni Gonzaga ido-donate sa Golden Gays ang kinita sa online concert na ‘I Am Otin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending