Marvin Agustin nag-explain kung bakit hindi pumunta sa kasal nina Jolina Magdangal at Mark Escueta; umaming may 'na-fall' | Bandera

Marvin Agustin nag-explain kung bakit hindi pumunta sa kasal nina Jolina Magdangal at Mark Escueta; umaming may ‘na-fall’

Ervin Santiago |July 20,2023
facebook
share this

Marvin Agustin nag-explain kung bakit hindi pumunta sa kasal nina Jolina Magdangal at Mark Escueta; umaming may ‘na-fall’

Ervin Santiago - July 20, 2023 - 07:20 AM

Marvin Agustin nag-explain kung bakit hindi pumunta sa kasal nina Jolina Magdangal at Mark Escueta; umaming may 'na-fall'

Jolina Magdangal at Marvin Agustin

NAGPALIWANAG ang actor-entrepreneur na si Marvin Agustin kung bakit hindi siya pumunta sa kasal nina Jolina Magdangal at Mark Escueta ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Ngayong taon ipinagdiriwang nina Marvin at Jolens ang 25th anniversary ng kanilang blockbuster movie na “Labs Kita… Okey Ka Lang?”

Kaya naman muling nagkasama ang dalawa sa espesyal na episode kahapon ng Kapamilya morning talkshow na “Magandang Buhay” sa ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🍀🦋 Jolina Magdangal Escueta 🦋🍀 (@mariajolina_ig)


Sa isang bahagi ng programa, nag-explain nga si Marvin sa naging desisyon niya na huwag nang dumalo sa wedding nina Jolina at Mark.

“Alam ko magiging masaya ako kasi magiging parte ako ng masayang okasyon na ‘yon for you and for Mark. Alam mo naman, showbiz, marami silang perception na masaya tayo, kilig tayo.

“Ayaw kong i-diminish ‘yung kilig at ‘yung atensiyon sa inyong dalawa ni Mark kasi kahit paano ay mapapatingin sila sa akin, eh wala naman akong kinalaman doon sa kaligayahan na sini-celebrate that moment.

“So it was a decision from my end na ibigay ang moment at highlight, assuming ako, eh. Assuming ako na titingnan ako ng tao habang ikinakasal sila. Pero the attention is for the married couple,” ang katwiran ni Marvin.

Baka Bet Mo: Jolina ibinandera ang pagmamahal at pasasalamat kay Mark: ‘Lagi mo inuuna ang happiness namin bago yung sa ‘yo’

Samantala, inamin naman ng aktor na talagang espesyal sa kanila ni Jolina ang pelikulang “Labs Kita… Okey Ka Lang?” at totoong  espesyal din ang pagtitinginan nila habang ginagawa ito.

Rebelasyon ni Marvin, “Na-fall. Pero siyempre iba-iba naman ‘yung bigat na napo-fall nu’ng 17 or 18 years old.

“Pero ‘yung pagmamahal siyempre nandoon…hindi naman sa lahat nang pinagdaanan, ‘di naman lahat masaya, mayroon ding mga lungkot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🍀🦋 Jolina Magdangal Escueta 🦋🍀 (@mariajolina_ig)


“Pero dahil may pagmamahal nga ay mananatili ang friendship at ‘yun ang aalahanin namin, ‘yung masasayang nangyari sa amin dati,” chika ng aktor at negosyante.

Pagbabahagi naman ni Jolens, “Hindi ko makakalimutan diyan sa movie na ‘yan, kapag nag-aaway kami parang binibigyan kami ng break para ‘sige ayusin nito muna ‘yan.’ Tapos unexpected lagi na magbabati kasi may ginagawa ito (si Marvin) umuutot.

“Saka hindi siya nahihiya kung ano ang mangyari sa kanya diyan sa harapan ko basta ganu’n kami ka-open,” ani Jolina.

“Para mapatawad niya lang ako,” sey naman ni Agustin.

Pag-alala pa ni Jolens, nagsimula ang loveteam nila ni Marvin sa “ASAP”, “Bago kasi kami ni Marvin mag-loveteam, nagkaroon kami ng movie ni Rico (Yan) ‘yung ‘Ama, Ina, Anak.’

“Tapos after noon nu’ng nagkaroon kami ni Marvin ng hosting sa ‘ASAP’ parang doon na nag-start na may (chemistry) itong dalawang ito,” aniya pa.

LJ kinumusta ni Paulo Avelino; willing pumunta sa Baguio with someone ‘as a friend’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jolina, Marvin nag-foodtrip sa Singapore, netizens kinilig: ‘The best love team in the 90s’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending