Jolina ibinandera ang pagmamahal at pasasalamat kay Mark: 'Lagi mo inuuna ang happiness namin bago yung sa 'yo' | Bandera

Jolina ibinandera ang pagmamahal at pasasalamat kay Mark: ‘Lagi mo inuuna ang happiness namin bago yung sa ‘yo’

Ervin Santiago |January 10,2023
facebook
share this

Jolina ibinandera ang pagmamahal at pasasalamat kay Mark: ‘Lagi mo inuuna ang happiness namin bago yung sa ‘yo’

Ervin Santiago - January 10, 2023 - 05:33 PM

Jolina ibinandera ang pagmamahal at pasasalamat kay Mark: 'Lagi mo inuuna ang happiness namin bago yung sa 'yo'

Jolina Magdangal, Mark Escueta, Pele at Vika Escueta

IBINANDERA ng Kapamilya actress at TV host na si Jolina Magdangal ang abot-langit na pagmamahal at pasasalamat sa kanyang asawang si Mark Escueta.

Isang appreciation post ang ibinahagi ni Jolens sa social media upang ipagsigawan sa buong universe kung gaano siya kaswerte na si Mark ang naging asawa niya at naging tatay ng mga anak.

Ito’y bilang pagbati na rin ni Jolina sa drummer ng bandang Rivermaya na nagdiwang ng kanyang 46th birthday kahapon, January 9.

Nag-share ang aktres sa Instagram ng mga photos nila ni Mark kasama ang kanilang mga anak.

“Happy happy birthday to the best person that holds the happy memory box in our hearts so dearly.

“Lagi mo inuuna ang happiness namin bago yung sayo. So much love, respect and adoration for you mahal,” ang nakasaad sa caption ni Jolens.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🍀🦋 Jolina Magdangal Escueta 🦋🍀 (@mariajolina_ig)


Kasalukuyang nasa Singapore ang pamilya nina Jolina at Mark with their kids Pele and Vika. Doon nga nag-celebrate ng birthday si Mark.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumabas ng bansa ang pamilya nina Jolens sa labas ng Pilipinas makalipas ang halos tatlong taon dahil sa pandemya.

“First family travel out of the country for Papa’s birthday!!!! Daming pinagdaanan ng travel na to. Haha! Basta ang importante matupad ang goal namin para sa 2023. Advance Happy birthday Mahal!!!” ani Jolens.

Ipinost din ng TV host ang mga litrato nila na kuha sa pamosong Gardens by the Bay sa Singapore. Sey ni Jolina sa caption, “Sinadya namin pumunta dito kasi magaganda daw ang halaman… at totoo nga!!!”

Ikinasal sina Jolina at Mark noong November 19, 2011 sa isang Christian ceremony. Sinundan pa ito ng isang garden wedding sa Tagaytay noong November 21, 2011.

Jolens 32 years na sa showbiz, hiyang-hiya pa rin kapag tinatawag na ’90s icon’

Karla Estrada muling nakasama sina Jolina at Melai, tuluyan nang mamamaalam sa ‘Magandang Buhay’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jolina Magdangal inamin ang naging issue sa kanila nina Rica Peralejo at Roselle Nava: Close talaga kaming tatlo, tapos…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending