Markki Stroem nagsalita na kung ano ang tunay na relasyon kina Marvin Agustin at Piolo Pascual Bandera

Markki Stroem nagsalita na kung ano ang tunay na relasyon kina Marvin Agustin at Piolo Pascual

Reggee Bonoan |January 12,2022
share this

Markki Stroem nagsalita na kung ano ang tunay na relasyon kina Marvin Agustin at Piolo Pascual

Reggee Bonoan January 12, 2022 - 07:33 PM

Marvin Agustin, Markki Stroem at Piolo Pascual

SA unang pagkakataon ay sumagot na ang actor-singer-model na si Markki Stroem sa pagkakaugnay niya kina Marvin Agustin at Piolo Pascual.

Nagsalita si Markki sa guesting niya sa “Cristy Ferminute” episode nitong Jan. 10 para sa promo ng Cignal Play series na “Delivery Gurl” mula sa direksyon ni Carlo Catu.

Matatandaang sinulat namin dito sa BANDERA noong July 12, 2020 ang tungkol sa larawang magkasama sila ni Marvin sa kama kung saan nakahilig pa ang aktor sa kanya habang tulog at siya naman ay nakangiti. Hiningan namin ng reaksyon noon ang aktor tungkol dito pero hindi niya kami sinagot.

At sa panayam nga niya kina ‘Nay Cristy Fermin at Romel Chika sa “CFM” ay diretso na itong sinagot ng binata.

“Si Marvin friend ko ‘yun, hanggang ngayon friend pa rin kami. And in my opinion (nag-iisip) it is our world, we can be friends with whatever we want to be and minsan were good friends, minsan hindi masyadong good friends, minsan hindi na kami okay, minsan okay pa kami in terms of relationship with different people.

“And in my opinion, I don’t really like to talk about my relationships with people in general, even ‘yung girlfriends whatever hindi ko binabanggit ang mga pangalan ng mga naging relationships ko because it’s not my story to tell,” seryosong sagot ni Markki.

Humirit pa ng isa pang tanong si ‘Nay Cristy na binasa niya mulansa mga nagpapadala ng mensahe sa kanya, “Anak puwede pa akong magbato ng isa pang tanong?” na sinagot naman ng aktor ng “yes.”

“Ang dami-daming nagte-text sa akin na nakikita kayo ni Piolo Pascual sa BGC (Bonifacio Global City) na nagdya-jogging. Lagi-lagi tuwing umaga ‘yan. Tinanong kita tungkol kay Marvin Agustin linawin na rin natin ‘yung kay PJ, magandang malinaw ‘yan,” pahayag ng host.

“Yeah, same management (Cornerstone) din kami so, we’re friends. Friends kami ngayon, friends din kami ni Marvin, friends din kami ng maraming mga actors but at the end of the day, let’s just say nowadays yung mga friends ko are outside of the industry.

“Hindi ako nakikipagkaibigan…minsan toxic for me. Actually, may mga friend din ako (showbiz) pero hi and hello lang, I mean nakita ko si Moira (dela Torre) sa Cornerstone Christmas party hina-hug ko siya, hina-hug ko rin si Catriona (Gray).  Friends ko sila pero hindi kami sobrang close like katulad dati na lahat ng buhay ko is in the industry lang,” paliwanag ng aktor.

Dagdag pa ni Markki, “Ito para sa mga tao, if you wanna have friends, if you wanna make friends with people don’t sheesh in your own backyard (sabay ngiti).”

Singit ni ‘Nay Cristy, “True, dahil ang dami-daming Marites (tsismosa), trolls at bashers ngayon.”

Dagdag pa ni Markki, “Yes, wag magka-bestfriend sa ano natin sa industriya natin, for example sa finance (department) ‘wag ka magkaroon sa field na ‘yun, same building kasi malalaman nila at magkukuwento-kuwento sila and minsan just want to have a private life and hindi lang sa friendship, hindi lang sa relationship, sa everything sa lahat ng human interaction. It’s better to find people outside of your circle.”


Sa tanong kung gay ba si Markki, “Isipin n’yo na lang kung anong gusto ninyong isipin, at the end of the day wala na akong paki to be honest sa mga sinasabi ng mga tao. That’s why probably hindi ako nananalo ng award kasi sobrang straightforward akong tao, eh.

“Sinasabi ko kung ano ang pumapasok sa utak ko and sinasabi ko kung ano ang nararamdaman ko as a person and kung ayaw nilang tanggapin at maniwala kung ano ako, e, sa kanila na lang ‘yun but at the end of the day, I live my life so happily kasi sobrang favorite button ko sa Facebook, block.  ‘Yung block button na ‘yun, sobrang favorite ko ‘yun!”

At dahil nabanggit ni Markki na nawawalan din siya ng sex drive ay tinanong pa siya ng beteranang manunulat kung kanino siya nagkakaroon ng attention o tinatamaan (sex urge), sa babae ba o sa lalaki?

Mabilis na sagot ng aktor, “Sa ngayon transman. For some reason for example pinag-usapan natin porn minsan ‘yan ang hinahanap ko. Interestingly enough ‘yung pinaka-biggest crush ko is a transman babae na naging lalaki.”

Naikuwento rin ni Markki na alam ng magulang niya at mga kapatid na lalaki ang type niya at wala raw pakialam ang mga ito, “Wala silang pake!” 

Ang komento raw ng nanay niya nang mapanood ang “Delivery Gurl,” “Do it, whatever you want to do sa basement, huwag kang maglakad nang naka-heels dito sa first floor namin kasi puro maumbak-umbak ‘yung wooden floor namin dito.  Sobrang tawang-tawa sila sa trailer as in.

“Athletic ‘yung dad ko, triathlon ‘yung kapatid ko national team or something ng Philippine Rugby, ‘yung isa naman soccer player wala silang pake! They’re like open minded people and accept people who they are.

“At the end of the day, lahat tayo tao and respect each other, pantay-pantay tayo walang mas angat, walang mas mababa. Love begets respect,” aniya pa.

Dagdag pa ng aktor, “And in terms kung sino ang papakasalan ko, abangan n’yo na lang or if I love myself and I end up myself sa dulo, okay lang din.”

Nakilala namin si Markki since day 1, mula noong sumali siya sa unang season ng “Pilipinas Got Talent” at hanggang ngayon, hindi talaga siya showbiz na tao at wala ring off the record sa kanya dahil sasabihin niya kung ano ang gusto niyang sabihin.

Sana lahat ng artista ay katulad ni Marcello Angelo Stroem.

Markki Stroem naghanap ng masasakyan sa Tagaytay nang naka-underwear lang: ‘Para, kuya!’

Markki Stroem biktima rin ng pambu-bully sa school; lumaban sa matinding depresyon

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending