Rayver hot na hot para kay Julie Anne: ‘Totoo naman kasing gwapo siya, but it’s really the mind and the heart’
PAREHONG “hot na hot” ang tingin sa isa’t isa ng Kapuso celebrity couple sa harap at likod ng camera na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.
Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media sina Julie at Rayver sa online mediacon ng kauna-unahang pelikula nila together na “The Cheating Game” mula sa GMA Films.
Doon nga pinanindigan ni Rayver na super hot para sa kanya ang girlfriend na tulad nang nabanggit niya sa isang YouTube vlog ni Bea Alonzo.
Sey ng binata, malawak para sa kanya ang ibig sabihin ng hot. Naniniwala siya na hindi lang sa itsura o katawan nakikita ang pagiging sexy o hot ng isang tao.
View this post on Instagram
“Totoo naman, eh. Sinabi ko sa vlog ni Bea, si Jules naman talaga ang pinaka-hot na babae for me, kasi nga, I mean, hindi lang siya iyong… pag sinabi mo kasing hot, iisipin mo agad na sexy siya, hot, pero hindi ganoon,” simulang paliwanag ng Kapuso actor at TV host.
Patuloy pa niya, “Kaya siya naging hot, bonus na lang iyon, meron din siya noon. Pero para sa akin, kaya siya nagiging hot, kasi iyong heart niya napakabuti.
“Napaka-genuine ng puso, kaya ako araw-araw na nai-in love sa kanya dahil sa pagkatao niya,” chika pa ni Rayver.
Baka Bet Mo: Ellen muling pinainit ang socmed sa super hot selfie photo, ano kaya ang reaksyon ni Derek?
Agree rin sa Asia’s Limitless Star na si Julie Anne sa sinabi ni Rayver, hindi lang sa pisikal na anyo ang pagiging hot ng isang tao, it’s more than that daw.
“Kindness is hot. Totoo naman talaga kasing napakabuting tao ni Ray. It just shows kasi how he treats me. How he treats his family, his friends and his workmates and everybody that surrounds him.
View this post on Instagram
“Talagang ano, eh, nagre-resonate kasi iyong good vibes and the charm. I think, bonus na lang talaga roon ang good looks. Guwapo naman talaga si Ray. Ha-hahaha! But yeah, it’s really the mind and the heart,” mariin sabi ni Julie Anne.
Samantala, nabanggit din ni Julie Anne na super confident siya na hindi magloloko o magtsi-cheat si Rayver dahil malalim na ang foundation ng kanilang relasyon na nagsimula muna sa pagkakaibigan.
“Confident ako? Yes, oo, confident ako. And of course, Secure ako kasi, matagal na kaming magkaibigan. And I believe, friendship is the best foundation in any relationship.
“At tama rin ang sabi ni Winwyn (Marquez), best foot forward then makikilala mo. Dito, hindi na namin kailangang mag-pretend. Hindi na niya kailangang mag-pretend.
“Hindi ko na rin kailangan. And importante rin, ang compatibility and honesty sa isang relasyon,” sey pa ni Julie.
Kasama rin sa “The Cheating Game” sina Martin del Rosario, Paolo Contis, Winwyn Marquez, Thea Tolentino, Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Jose Sarasola, Phi Palmos at marami pang iba. Showing na ito sa mga sinehan simula sa July 26.
True ba, Liza lalaban sa Miss Universe PH next year matapos matalo si Rabiya?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.