Ellen muling pinainit ang socmed sa super hot selfie photo, ano kaya ang reaksyon ni Derek? | Bandera

Ellen muling pinainit ang socmed sa super hot selfie photo, ano kaya ang reaksyon ni Derek?

Ervin Santiago |May 28,2021
facebook
share this

Ellen muling pinainit ang socmed sa super hot selfie photo, ano kaya ang reaksyon ni Derek?

Ervin Santiago - May 28, 2021 - 09:12 AM

NAPA-WOW at napanganga ang mga netizens, kabilang na ang ilang celebrities sa mga bagong pasabog na sexy photos ni Ellen Adarna sa social media.

Hindi napigilan ng mga followers ni Ellen sa Instagram ang humanga at bumilib sa kaseksihan niya ngayon, lalo na sa mga litrato niya suot ang kanyang hot na hot na lingerie.

Sa kanyang Instagram account, proud na ipinost ng fiancée ni Derek Ramsay ang litrato niyang halos nakahubad na. Ang isinulat lamang niyang caption dito ay ang hashtag na “#mombod.”

Sinundan pa ito na isang maikling video kung saan makikitang sumasayaw si Ellen na may caption na “Keep your distance.”

Pinusuan at ni-like nga ito ng mga netizens at nagkomentong grabe pa rin ang katawan ni Ellen kahit na nagkaanak na. Nagkakaisa naman ang mga kapwa niya mommy sa pagsasabing hashtag #SanaAll!

Bumuhos din ang mga positibong mensahe mula sa mga kapwa niya celebrity na talagang humanga sa ipinagmamalaki niyang mommy body.

Comment ni Anne Curtis, “GRABE!!!!!! (dalawang clapping hands emojis).”

Sey naman ni Iza Calzado, “HANEP! (fire emoji)!”

“Damnnnnn!” ang sabi naman sa kanya ni Georgina Wilson.

Ilang raising hands emoji ang ipinost ni Arci Muñoz sa comment ls section ng IG post ni Ellen.

Comment naman ni Isabelle Daza sa hot photo bi Ellen, “Such a MILFFFF.” Ang MILFFF na tinutukoy ng actress-TV host ay ang mga “attractive older woman, usually a mother, who is regarded as a sexual object.”

“Fight! (fire emoji),” sey naman ni Jackie Forster.

At siyempre, magpapahuli ba ang future husband ni Ellen na si Derek Ramsay na nag-post naman ng 48 hear no evil monkey emoji sa IG pasabog ng aktres.

Reply naman ni Ellen sa kanya, “@ramsayderek07 im waitinggggggg, (grinning face with one large eye and one small eye, rolling on the floor laughing, woman dancing emojis).”

Kung hindi kami nagkakamali, kasalukuyang nagbabakasyon sina Derek at Ellen sa isang private resort sa Lipa, Batangas kasama ang anak nina Ellen at John Lloyd Cruz na si Elias.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang ibinibigay na detalye ang engaged couple tungkol sa kanilang wedding pero nauna nang sinabi ni Ellen na ayaw niya ng engrandeng kasal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending