Ricci Rivero ibinandera ang mga katangian ng ideal girlfriend: Simple lang, family-oriented at may takot sa Diyos' | Bandera

Ricci Rivero ibinandera ang mga katangian ng ideal girlfriend: Simple lang, family-oriented at may takot sa Diyos’

Ervin Santiago |July 16,2023
facebook
share this

Ricci Rivero ibinandera ang mga katangian ng ideal girlfriend: Simple lang, family-oriented at may takot sa Diyos’

Ervin Santiago - July 16, 2023 - 11:05 AM

Ricci Rivero ibinandera ang mga katangian ng ideal girlfriend: Simple lang, family-oriented at may takot sa Diyos'

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

UMANI ng iba’t ibang reaksyon ang naging sagot ni Ricci Rivero nang tanungin kung anu-ano bang katangian ang hinahanap niya sa isang babae.

Inisa-isa naman ito ng kontrobersyal na basketball player na naging dahilan na naman ng pamba-bash sa kanya ng ilang haters sa social media, kabilang na riyan ang mga fans ng ex-dyowa niyang si Andrea Brillantes.

Nakachikahan ni Ricci si dating Manila City Mayor at “Eat Bulaga” host na si Isko Moreno sa latest episode ng YouTube channel nitong “Iskovery Nights” at dito nga nipa napag-usapan ang tungkol sa isyu ng pakikipagrelasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ricci Paolo Rivero (@ricciiirivero)


Natanong ni Yorme ang binata kung ano-ano ba ang mga qualities ng isang babae ang hinahanap niya para pumasa ito bilang girlfriend niya.

Sagot ni Ricci – matured, family-oriented, at may takot sa Diyos. Sa pisikal na aspeto naman gusto niya raw ay simple lang.

“Hayun, tama importante ‘yon,” ang pagsang-ayon naman ni Isko kay Ricci.

Sa tanong kung ano ang greatest learning niya sa kanyang past relationship, “As long as alam mong nasa tama or nasa totoo ka, wala ka namang kailangang i-regret or wala kang babalikan kasi na dapat ganito, dapat ganyan.”

“Mas okay din Yorme siguro ‘yung wala ring masyadong taong involved sa relationship kasi mas wala ring mangingialam,” hirit pa ni Ricci.

Naka-post naman sa TikTok ng “Iskovery Nights” ang bahagi ng panayam ni Yorme kay Ricci tungkol sa kanyang ideal girlfriend. Marami ang nagtanong kung ano kaya ang reaksyon ni Andrea hinggil dito.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero pwedeng kasuhan ni Andrea Brillantes ng ‘Violation Against Women And Children’ kung…

May mga nagsabi naman na tila ine-enjoy talaga ni Ricci ang pagpapa-interview habang nananatiling tahimik si Andrea sa kinasasangkutan nilang kontrobersya.

Feeling ng fans ng dalaga, gamit na gamit siya ng cager dahil sa pagpapa-interview nito.

“Blythe left the group.”

“It’s either dinescribe ang ex, o sinabi ang mga katangian na wala sa ex. Pili na lang kayo!”

“What da? Hahaha.”

“Kaya pala…”

“Sana lang ganun din siya hahaha.”

“Talaga ba, Ricci?”

May mga nagtanggol naman kay Ricci sa panayam sa kanya ni Isko. Narito ang ilan sa kanilang comments.

“May ganun interview pala si yorme, dahil Shell Ricci lalo kitang naging idol. solid UP fans here.”

“I love how Yorme carried the conversation.He is a smart host.Tawang tawa ako sa mga jokes at lutong ng halakhak.This guy Ricci Rivero is intelligent.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


“Thanks mayor isko for continuing to be a gentle generous human being.. ISKOVERY NIGHTS whoever your guests may be… is always inspirational and wisdom filled.”

“Yorme never fails to amaze me. The way na mag interview sya makikita mo talagang walang halong ka-plastikan. He really brings out the best sa mga ini-interview nya. Kahit yun mga pinakanakakainis na tao.”

Hindi pa lantarang nagsasalita si Andrea about the breakup pero sa pamamagitan ng host-comedian na si Jhai Ho, sinabi ng aktres na totoong may ibang babaeng involved sa paghihiwalay nila.

Ito yung nakatapis na girl na nabidyuhan ni Andrea sa loob mismo ng condo unit ni Ricci. Mariing itinanggi ng aktor na “sa kanya” ang nasabing babae at nanindigan na hindi siya nag-cheat habang karelasyon si Andrea.

Kiray may 2 katangian na gustung-gusto ni Stephan: Doon talaga ako na-in love sa kanya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Diego kay Cesar: I’m proud to be your son! Sinasabi ko nga lagi, kailangan kong maging kasing-tibay ng tatay ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending