Kiray may 2 katangian na gustung-gusto ni Stephan: Doon talaga ako na-in love sa kanya! | Bandera

Kiray may 2 katangian na gustung-gusto ni Stephan: Doon talaga ako na-in love sa kanya!

Ervin Santiago |October 10,2021
facebook
share this

Kiray may 2 katangian na gustung-gusto ni Stephan: Doon talaga ako na-in love sa kanya!

Ervin Santiago - October 10, 2021 - 03:18 PM

Jessica Soho, Kiray Celis at Stephan Estopia

KNOWS n’yo ba kung bakit na-in love kay Kiray Celis ang non-showbiz boyfriend niyang si Stephan Estopia? 

Ayon sa binata, maraming magaganda at nakakabilib na qualities ang Kapuso comedienne na talagang nagustuhan niya pero may dalawang katangian ang dalaga na gustung-gusto niya.

“‘Yung mata niya tsaka ‘yung mga ngiti niya talaga, doon ako na-in love sa kanya,” ang pahayag ni Stephan sa panayam sa kanya ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Dagdag pa ng binata, isa pa sa nagustuhan niya sa kanyang girlfriend ay ang pagiging makapamilya nito. Grabe raw ang ginagawang sakripisyo ni Kiray para lang mapasaya ang mga mahal niya sa buhay.

“Mapagmahal siya sa magulang, maalaga. Tapos mahal niya rin ‘yung family ko, yun po talaga ang pinakamahalaga sa lahat,” sabi pa ni Stephan na mukhang natagpuan na nga ang kanyang forever.

Samantala, ipinagdiinan din ng binata na siya talaga ang may gustong ipa-tattoo ang mga mata ni Kiray sa kanyang dibdib at hindi totoong pinilit lang siya ng komedyana.

At wala rin daw siyang planong alisin o ipabura ito, “Hindi ko naman siya papalitan o buburahin, ginusto ko naman ‘to, katawan ko naman ‘to kaya hindi ko na ipapabago talaga.”

Sey naman ni Kiray, matagal nang gustong magpa-tattoo ng boyfriend niya, pero nagulat din siya na seryoso ito na ang mga mata niya ang napili nitong ipalagay sa dibdib niya.

Galing ito sa isang litrato niya na kuha mula sa kanyang special photoshoot at makeover with the celebrity makeup artist na si Fanny Serrano.

“Nakakahaba ng buhok na ipa-tattoo ka ng isang partner mo. Para sa amin kasi, kaya raw two ‘yung mata kasi road ‘two’ forever na raw. Naks!” chika ni Kiray.

Sey pa ni Stephan plano rin niyan ipa-tattoo ang pangalan at mukha ni Kiray pati na ang magiging anak nila in the future.

* * *

Ngayong Linggo ng gabi, guest ang pinakabagong Kapuso na si Kuya Kim Atienza sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” (KMJS).

Sa panayam ni Jessica Soho, mas makikilala pa ng viewers ang tinaguriang Oppa ng Trivia at Kuya ng Bayan. Matatandaang naibahagi rin ni Kuya Kim na fan ito ng KMJS at suki nga raw siya sa pag comment sa Facebook page ng nasabing show.

Samantala, alamin kung bakit ang isang gamot na may Chinese characters, na ayon sa iba’y nakagagaling daw ng sintomas ng COVID-19, ay ipinagbabawal ng Food and Drug Administration. 

Totoo nga kayang may nagaganap na kulam sa isang sementeryo sa Mindanao? Ang pruweba, ang nagkalat ditong mga litrato ng mga diumano kinulam! 

Ang isang tindera ng asin noon, umasenso na ngayon at milyonaryo pa nga! Paano ito nangyari?

At dalawang buwan matapos maitampok sa programa ang buto’t balat na bata sa Cebu, muli na nga kayang maisusuot ni Ranelyn ang kanyang bestida?  

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tuluy-tuloy ang kuwentuhan sa Sunday viewing habit ng Pamilyang Pilipino — “Kapuso Mo, Jessica Soho”, Linggo ng gabi sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending