Sunshine Cruz sa pakikipaghiwalay kay Macky Mathay: Parang hindi nagli-level up yung relationship | Bandera

Sunshine Cruz sa pakikipaghiwalay kay Macky Mathay: Parang hindi nagli-level up yung relationship

Therese Arceo |July 15,2023
facebook
share this

Sunshine Cruz sa pakikipaghiwalay kay Macky Mathay: Parang hindi nagli-level up yung relationship

Therese Arceo - July 15, 2023 - 01:53 PM

Sunshine Cruz sa pakikipaghiwalay kay Macky Mathay: Parang hindi nagli-level up yung relationship
NAGSALITA na ang aktres na si Sunshine Cruz ukol sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay ng dating partner na si Macky Mathay.

Sa kanyang panayam sa vlog ni Karen Davila na ipinalabas noong Huwebes, July 13, ay natanong siya ukol sa kanyang love life.

Ani, Sunshine, hindi naman daw niya masasabi na unlucky siya sa larangan ng pag-ibig kahit na nagtapos na ang mga nagdaang seryosong relasyon niya.

“Sa totoo lang, pagdating kasi kay Macky, hindi ko rin naman hinintay yan. That time, magpo-four years na akong hiwalay kay Cesar. I was too focused on my children and work,” pagbabahagi niya.

Chika pa ni Sunshine, nang dumating ito sa kanyang buhay ay binigyan niya ito ng chance.

“I gave him a chance and no regrets naman. He was a good guy,” sabi pa niya.

Baka Bet Mo: Sunshine Cruz nawalan ng ‘trust’ kay Macky Mathay kaya naghiwalay: Hindi lang love ang importante dapat may tiwala at respeto

Halos anim na taon rin ang itinagal kanilang relasyon bago ito natapos noong nakaraang taon.

“Five days bago mag-six years anniversary kami, nakipaghiwalay ako sa kanya. Lock-in taping pa yun,” pag-amin ni Sunshine.

Nangyari raw ito noong kasagsagan ng kanyang lock-in taping at nakipaghiwalay raw siya sa pamamagitan ng message.

“I said na, ‘I don’t think may patutunguhan pa tong relationship so… Nakita ko lang na parang hindi nagli-level up yung relationship. Hindi nagmu-move,” lahad ni Sunshine.

Pagpapatuloy niya, “Don’t get me wrong, he’s a good guy. I love his children. Pero siyempre, at this point in my life, I am 45, siyempre parang naghahanap na tayo ng relationship na kahit papano, lumi-level up.”

Matatandaang September 2022 nang umugong ang balitang hiwalay na sila Sunshine at Macky.

Nilinaw naman ng aktres na hindi naman niya nais na magpakasal ulit at ok na siya sa pagkakaroon ng life partner. Hindi rin daw niya isinasara ang kanyang puso sa posibleng pag-ibig na dumating.

“Ang sarap magmahal. Ang sarap kiligin. Ang sarap ng may inspirasyon. So kung may dumating para sa akin, bakit hindi?” sey ni Sunshine.

Related Chika:
Cesar ipinagdarasal ang pagbabalikan nina Sunshine at Macky: ‘Ang bait-bait nu’ng tao, ang guwapo-guwapo… sana sila na’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hiwalayang Sunshine Cruz-Macky Mathay kinumpirma ni Mayor Francis Zamora?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending