Macky Mathay naka-follow uli sa Instagram ni Sunshine Cruz | Bandera

Macky Mathay naka-follow uli sa Instagram ni Sunshine Cruz

Therese Arceo |September 27,2022
facebook
share this

Macky Mathay naka-follow uli sa Instagram ni Sunshine Cruz

Therese Arceo - September 27, 2022 - 06:32 PM

Macky Mathay naka-follow uli sa Instagram ni Sunshine Cruz

LAMAN ng usap-usapan ngayon ang celebrity mom na si Sunshine Cruz at ang dyowa nitong si San Juan Citycouncilor na si Macky Mathay.

Agad kasing naging palaisipan sa mga netizens kung ano na nga ba ang estado ng relasyon ng dalawa matapos lumabas ang chika na naghiwalay na raw ang dalawa.

Umugong ang chikang ito matapos ang naging cryptic post ng aktres na si Sunshine Cruz at agad inisip ng iba na baka may pinagdaraanan sila ni Macky.

Ayon sa cryptic post ng aktres ay ibinahagi mg aktres nang magkaroon siya ng lock-in taping na tumagal ng mahigit isang buwan.

Sumunod namang nahalungkat ang isa sa mga Instagram reels ni Sunshine at marami rin ang nagtanong kung may pimagdaraanan nga ba sila ni Macky.

Marami naman sa mga netizens ang humihiling na sana ay hindi totoo ang bali-balitang hiwalay ang dalawa.

Huli kasing namataang magkasama sina Sunshine at Macky noong magdiwang sila ng ika-18th birthday ni Sam Cruz kung saan present rin ang ex-husband ng aktres na si Cesar Montano.

Wala namang kumpirmasyon mula sa dalawa kung totoo ba ang mga naglalabasang isyu sa kanila ngunit kapansin-pansin ang pagiging missing in action ng San Juan City councilor.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ismael Macky Mathay IV (@mackymathay)

 

At dahil nga curious ang netizens ay hindi na natantanan ang dalawa at dito nga nakitang nag-unfollow na ang dalawa sa isa’t isa.

Ngunit makalipas ng ilang oras matapos lumabas ang balitang nag-unfollow sila sa isa’t isa ay may nakakita na muli na ngang pina-follow ni Macky si Sunshine sa IG.

Sa kabila nito ay nananatiling wala pa ring pahayag ang dalawa ukol sa estado ng kanilang relasyon na sa ngayon ay limang taon na.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag nina Sunshine at Macky hinggil sa isyung kinakaharap.

Related Chika:
True ba ang chika, Sunshine Cruz at Macky Mathay hiwalay na?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagkanta ni Sunshine Cruz ng ‘Someone That I Used To Love’ para nga ba kay Macky Mathay?

Sunshine Cruz ibinandera ang pagkikita nina Cesar Montano at Macky Mathay sa debut ng anak: ‘In God’s perfect time always…’

Sunshine Cruz sa netizen na pumansin ng kanyang ‘sexy outfit’: I don’t think may chart ang attire according to age

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending