True ba ang chika, Sunshine Cruz at Macky Mathay hiwalay na? | Bandera

True ba ang chika, Sunshine Cruz at Macky Mathay hiwalay na?

Ervin Santiago |September 25,2022
facebook
share this

True ba ang chika, Sunshine Cruz at Macky Mathay hiwalay na?

Ervin Santiago - September 25, 2022 - 02:22 PM

Sunshine Cruz at Macky Mathay

USAP-USAPAN ngayon ng mga “Marites” sa social media ang tungkol sa estado ng relasyon ng magdyowang sina Sunshine Cruz at Macky Mathay.

Ang kanilang tanong — totoo nga bang hiwalay na ang ang aktres sa kanyang boyfriend? Ano nga ba ang pinagdaraanan ngayon ng ex-wife ni Cesar Montano?

Nagsimula ang tsismis nang mag-post si Sunshine sa Instagram last September 22, ng tungkol sa kanyang “realizations” sa buhay nitong mga nagdaang linggo.

“I experienced so much realizations and challenges while I was locked in for 35 days.

“It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best,” ang simulang pagbabahagi ng aktres.

Aniya pa, “Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way.

“So much blessings are being given to me and my family afterall. Wala akong karapatang mag reklamo.

“Everything happens for a reason, live it, love it, learn from it,” sabi pa ni Sunshine.

Balitang nag-unfollow na rin ang celebrity mom sa Instagram account ni Macky. Wala na rin siyang bagong post about her boyfriend kaya ang feeling ng kanyang socmed followers ay may pinagdaraanan ang dalawa.

Komento ng kanyang pinsan na si Donna Cruz, “God will work things together for our good, Shine! Love and miss you!

“And we know that all things work together for good to those who love God, to those who are the called according to His purpose. (Romans 8:28 NKJV).”

Mensahe naman ng kaibigan ni Sunshine na si Ruffa Gutierrez, “Sending you hugs, Shine. Hope you’re doing okay now.”

Sa mga sumunod na posts ni Shine ay puro tungkol na sa kanyang mga anak kabilang na ang mga litrato niya kasama ang iba pang anak ng kanyang ex-husband na si Cesar Montano sa bago nitong karelasyon.

View this post on Instagram

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


Ngayong araw, September 25, nag-post ang aktres ng litrato niya na kuha sa tabing dagat at pasikat ang araw. In fairness, napakaganda ng aura ni Sunshine sa picture at parang wala namang pinagdaraanan.

Aniya sa caption, “There is always something to be grateful for.”

Ilang netizens ang nag-post ng kanilang reaksyon sa IG page ni Sunshine at nagsabing sana raw ay hindi totoong hiwalay na sila ni Macky.

Huling nakitang magkasama in public sina Macky at Sunshine sa 18th birthday ng anak ng aktres na si Sam kung saan nakasama rin nila tatay ng dalaga na si Cesar.

Taong 2018 pa na-annul ang kasal nina Sunshine at Cesar habang limang taon na ang relasyon ng aktres at ni Macky.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag at paglilinaw nina Sunshine at Macky hinggil sa isyung ito.

Sunshine Cruz ibinandera ang pagkikita nina Cesar Montano at Macky Mathay sa debut ng anak: ‘In God’s perfect time always…’

Sunshine todo pasalamat kay Diego sa pagiging ‘protective at best kuya’ sa kanyang Tres Marias

Sunshine Cruz sa netizen na pumansin ng kanyang ‘sexy outfit’: I don’t think may chart ang attire according to age

Sunshine Kapamilya na; bibida sa ‘Marry Me, Marry You’ kasama ang 2 pang dating Kapuso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending