Hiwalayang Sunshine Cruz-Macky Mathay kinumpirma ni Mayor Francis Zamora? | Bandera

Hiwalayang Sunshine Cruz-Macky Mathay kinumpirma ni Mayor Francis Zamora?

Reggee Bonoan |October 13,2022
facebook
share this

Hiwalayang Sunshine Cruz-Macky Mathay kinumpirma ni Mayor Francis Zamora?

Reggee Bonoan - October 13, 2022 - 02:04 PM

KUMPIRMADONG hiwalay na nga ang aktres na si Sunshine Cruz at si San Juan City Councilor Macky Mathay.

Mismong ang alkalde ng San Juan City na si Ginoong Francis Zamora ang nag-wish sa kaarawan ng konsehal na sana’y bumalik na ang “araw” (o sunshine) sa buhay niya.

Nag-post si Mayor Francis Zamora ng mga larawan sa nakaraang birthday celebration ni Konsi Macky na ginanap sa Guevarra’s Restaurant na pag-aari ni Chef Laudico nitong Oktubre 10.

Ang caption ni Mayor Francis, “Happy birthday Councilor Macky Mathay (cakes emoji). Ang wish ko para sayo ay sana bumalik muli ang sikat ng araw sa buhay mo.’ @mackymathay.”

Sinagot naman ito ni Konsi Macky ng, “Thank you my Mayor @franciszamora30 (praying hands emoji).”

Edad 43 na si Konsi Macky sa nagdaang kaarawan niya at wala kaming nabasang pagbati mula kay Sunshine pero binati ng anak niyang si Sam Cruz ang konsehal sa kanyang Instagram account kung saan nag-post ang una ng mga natanggap niyang cakes.

Bati ni Sam, “Happy birthday tito Macky.”

Kaagad naman itong sinagot ng konsehal ng, “@samcruzm thank you Sammy (heart emoji). I miss you and I love you.”

Samantala, nananatiling nasa IG account pa rin ni Konsi Macky ang mga larawan nilang dalawa ni Sunshine at ang iba ay kasama ang mga anak ng aktres at mga anak din nito.

Hindi pa rin pinapalitan ng konsehal ang profile picture niya na kasama si Shine.

* * *

Puno ng mahahalagang aral, kilig, at good vibes ang unang episode ng iWantTFC original series na “Tara, G!” na pinagbibidahan nina Anthony Jennings, Daniela Stranner, Kaori Oinuma, JC Alcantara, Vivoree Esclito, Zach Castañeda, at CJ Salonga.

Ipinakilala sa viewers ang solid barkadahan ng Team WISE, kung saan determinado silang iahon mula sa kahirapan ang bayan nila na La Guerta bilang mga dedikadong coffee farmers. Ang negosyo nilang ito ang pag-asa nila sa mas magandang kinabukasan, tulad lamang ng kay Legs (Kaori), na nakapag-aral sa Maynila.

Unti-unti nilang naaabot ang kanilang pangarap dahil naka-jackpot si Rocky (Anthony) sa isang coffee wine client na pumayag bilhin ang kanilang mga produkto. Ngunit, nasayang lamang ito nang bumisita sa La Guerta si Cars (Daniela), isang supladang babae.

Nabasag ni Cars ang lahat ng coffee wine bottles na pinaghirapan ng Team WISE kaya kailangan nilang magsimula muli. Dahil dito, nanganganib na umalis si Jengjeng (Vivoree) sa La Guerta upang makahanap ng pagkakakitaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ismael Macky Mathay IV (@mackymathay)


Pinuri ng mga manonood ang pagtuon ng pansin ng serye sa mga coffee farmers at ang nakakaantig na kwentong pampamilya at pagkakaibigan. Nakapasok nga agad ito sa Top 10 most watched shows sa iWantTFC.

Ayon sa Maganda Ba Movie, “Nailalarawan ng “Tara, G!” ang mga hinaing at ang mga pangarap ng mga magigiting nating magsasaka. Also, sa kabila ng mga struggles hindi pa rin nila nakakalimutang magpasalamat at ngumiti.”

“Nakaka good vibes yung barkadahan ng ating mga bida sa series. Sila yung sumisimbolo sa mga kabataan na dapat tularan ng henerasyon ngayon. “Tara, G!” is more than just a teensy kilig flick, napapanahon siya at puno ng aral,” dagdag pa nito.

Magagandang salita rin ang binitawan ng social media influencer na si Francis Sajorda tungkol sa serye, na kinunan ng buo sa Benguet.

“Ang sarap mag-feeling young at Gen Z because of this serye. Maganda ang pagkakatahi sa kwento ng both traditional and modern ways ng Benguet – there’s something for everyone in the series, hindi lang pang-Gen Z. It is a good show with so much heart in it,” sabi niya.

Sa pagpapatuloy ng kwento, mapipilitan si Cars na makisama sa Team WISE upang makabawi sa gulong dinala niya. Makakahanap kaya siya ng bagong barkada?

Samantala, pwedeng makisali sa tawanan at kulitan sa “Tara, G! With Me,” isang live reaction show kasama ang cast na napapanood kada Biyernes sa Facebook page at YouTube channel ng iWantTFC.

Napapanood sa buong mundo ang “Tara, G!” at may bagong episode kada Biyernes, 8 p.m. (Manila time). Libre itong napapanood sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com) at available rin ito sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas.

True ba ang chika, Sunshine Cruz at Macky Mathay hiwalay na?

Pagkanta ni Sunshine Cruz ng ‘Someone That I Used To Love’ para nga ba kay Macky Mathay?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Breakup’ hugot ni Sunshine para nga ba kay Macky: Some people are only meant to stay in your heart not in your life…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending