Sunshine Cruz nawalan ng 'trust' kay Macky Mathay kaya naghiwalay: Hindi lang love ang importante dapat may tiwala at respeto | Bandera

Sunshine Cruz nawalan ng ‘trust’ kay Macky Mathay kaya naghiwalay: Hindi lang love ang importante dapat may tiwala at respeto

Ervin Santiago |February 02,2023
facebook
share this

Sunshine Cruz nawalan ng ‘trust’ kay Macky Mathay kaya naghiwalay: Hindi lang love ang importante dapat may tiwala at respeto

Ervin Santiago - February 02, 2023 - 08:27 PM

Sunshine Cruz nawalan ng 'trust' kay Macky Mathay kaya naghiwalay: Hindi lang love ang importante dapat may tiwala at respeto

Macky Mathay at Sunshine Cruz

UMIWAS ang Kapuso actress na si Sunshine Cruz na pag-usapan ang isyu kung may third party nga ba sa hiwalayan nila ng ex-partner na si Macky Mathay.

Tumangging sagutin ni Shine ang question tungkol dito dahil aniya, wala raw siya sa posisyon para ibandera sa publiko kung totoo bang may ibang babaeng involved sa pagtatapos ng relasyon nila ni Macky.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbigay ng ilang detalye si Sunshine sa biglaang breakup nila ng dating karelasyon limang buwan matapos pumutok ang balita about it.

Siya ang guest sa “Fast Talk With Boy Abunda” ngayong araw, February 2 at nagpaliwanag nga siya kung bakit ngayon niya pinilit basagin ang kanyang pananahimik.

“I chose to be quiet because merong mga bata na involved — mga anak niya na napamahal sa akin at yung mga anak ko na napamahal kay Macky.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


“So, nag-decide ako na maging quiet na lang, kasi hindi naman talaga alam ng publiko kung ano yung mga pinagdadaanan namin or kung ano yung pinagdaanan ko.

“Parang ang feeling ko, Tito Boy, hindi na dapat talaga ma-involve ang publiko dito,” sey ng aktres.

Ayaw na niyang magdetalye nang bonggang-bongga tungkol sa breakup pero aniya, totoong nawala na ang tiwala at respeto niya sa relasyon nila ni Macky tulad din ng nangyari noon sa ex-husband niyang si Cesar Montano.

“Ang na-realize ko lang dito sa relationship, and even with my ex-husband, Cesar, tatlo ang importanteng bagay sa relationship, hindi lang love.

“Dapat nandu’n ang trust, nandu’n ang respect. Pag merong isang nawala du’n, it’s not going to work. And sa edad kong ito, I am 45 years old, hindi na dapat pinapatagal.

“Of course, you give chances, sabi nga, di ba, yung kay Senator Chiz (Escudero at Heart Evangelista), masarap magkaroon ng second chances.

“Of course, you give your second chance, third chance, hanggang 10 pa nga na beses magbibigay ka, e. Pero at the end of the day, you wake up one day at mari-realize na wala nang patutunguhan ang relationship.

“You just have to be thankful for the years you’ve been together. Naging maganda yung pagsasama niyo, nagmahalan kayo, naging inspiration kayo sa isa’t isa,” tuluy-tuloy pa niyang paliwanag.

“Ako kasi, masasabi ko lang ‘no, kasi kahit anong gawin nating pagpaplano sa buhay natin, of course when I was with Cesar, I wanted to grow old with him.

“Gusto ko, hanggang pagtanda ko siya na, ganu’n din with Macky. After Cesar, I waited. Actually dumating na lang yan, hindi ko naman inaasahan.

“Almost four years after, separated ako kay Cesar, nu’ng dumating si Macky. I wanted to grow old with him as well.

“Pero may mga… kahit magplano tayo sa buhay natin, pero kung hindi talaga yun ang destiny natin, hindi mangyayari. And I just have to believe kung ano man ang… I’m sure meron ibang plano si God para sa akin.

“And kung ano man yun, hihintayin ko. Kung may dumating, okay lang. Ang importante nandiyan ang mga anak ko, mahal ako, mahal ako ng mga anak ko. Du’n na lang nagpo-focus ako.

“I have work. Di ako nawawalan ng proyekto and that’s all that matters. I am blessed,” sabi ni Shine.

At sa tanong kung may third party nga ba sa breakup nila ni Macky, “Parang wala ako sa posisyon na magsalita tungkol diyan.”

True ba ang chika, Sunshine Cruz at Macky Mathay hiwalay na?

Pagkanta ni Sunshine Cruz ng ‘Someone That I Used To Love’ para nga ba kay Macky Mathay?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Breakup’ hugot ni Sunshine para nga ba kay Macky: Some people are only meant to stay in your heart not in your life…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending