Cesar ipinagdarasal ang pagbabalikan nina Sunshine at Macky: 'Ang bait-bait nu'ng tao, ang guwapo-guwapo... sana sila na' | Bandera

Cesar ipinagdarasal ang pagbabalikan nina Sunshine at Macky: ‘Ang bait-bait nu’ng tao, ang guwapo-guwapo… sana sila na’

Ervin Santiago |February 12,2023
facebook
share this

Cesar ipinagdarasal ang pagbabalikan nina Sunshine at Macky: ‘Ang bait-bait nu’ng tao, ang guwapo-guwapo… sana sila na’

Ervin Santiago - February 12, 2023 - 07:51 AM

Cesar dasal ang pagbabalikan nina Sunshine at Macky: 'Ang bait-bait nu'ng tao, ang guwapo-guwapo... sana sila na'

Macky Mathay, Sunshine Cruz, Cesar Montano, Kath Angeles, Angelina, Samantha, at Chesca Montano

IPINAGDARASAL pa rin ni Cesar Montano na sana’y magkabalikan ang kanyang ex-wife na si Sunshine Cruz at ex-boyfriend nitong si Macky Mathay.

Nagbigay ng mensahe si Cesar para kay Shine matapos siyang sabihan ng aktres na magpakabait na sa kanyang non-showbiz partner na si Kath Angeles.

Ayon kay Sunshine, okay na okay na uli ang relasyon nila ngayon ni Buboy at natutuwa siya na maayos na rin ang co-parenting agreement nila para sa kanilang mga anak na sina Angelina, Samantha, at Chesca.

Kamakailan ay naka-bonding pa nga ni Sunshine at ng tatlo niyang anak na babae ang mga anak ni Cesar kay Kath – sina Samuel, Liam, at Kristen.

Sunshine Cruz nawalan ng ‘trust’ kay Macky Mathay kaya naghiwalay: Hindi lang love ang importante dapat may tiwala at respeto

Sa interview ng “Fast Talk With Boy Abunda” na napapanood sa GMA 7 mula Lunes hanggang Biyernes, nagbigay ng paalala ang aktres sa dating asawa

“Sabi ko nga kay Cesar, ‘Magpakabait ka na diyan kay Kath. Napakaganda, napakabait, napakasuwerte mo. Mag-behave ka.’ Kung hindi, makakaaway niya kaming lahat ng mga anak ko,” ani Shine.

Sa naganap na grand mediacon ng bagong pelikula ni Darryl Yap mula sa Viva Films, ang “Martyr Or Murderer”, natanong si Buboy kung ano ang reaksiyon niya sa naging pahayag ni Sunshine.

“Oo nga, e, mayroon siyang advice. Advice ko rin sa kanya, sana si Macky na. Ang bait-bait nu’ng tao, ang guwapo-guwapo pa. Na-meet ko, e. Sana sila na,” pahayag ng aktor na gumaganap uli bilang Ferdinand Marcos sa part 2 ng “Maid In Malacañang”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cesar Montano (@cesarbuboymontano)


Pero pagkambiyo agad ni Cesar, “Wala akong kinalaman diyan, buhay niya yan, e. But my prayer for them, of course, is maging maayos.”

Matatandaang nagkakilala sina Cesar at Macky sa 18th birthday party ng anak ni Sunshine na si Samantha noong August, 2022. May Instagram post pa si Macky habang nagkakamay sila ni Buboy.

Samantala, nagpapasalamat din si
Cesar na super okay na sila ngayon ni Sunshine, “Of course, I thank God for it. It’s everybody’s prayer, I think, na maayos ang isang pamilya. Marami tayong kaibigan na nagpe-pray for us. Ako, wala ngang effort, e.

Sunshine Cruz ibinandera ang pagkikita nina Cesar Montano at Macky Mathay sa debut ng anak: ‘In God’s perfect time always…’

“Prayer lang yun, constant prayer lang. Hindi lang ako, pati mga kaibigan namin,” diin niya.

Tungkol naman sa relasyon niya sa anak na si Diego, abot-langit din ang pasasalamat niya sa Diyos dahil bukod sa maayos na ang kanilang relasyon ay nagkatrabaho pa sila sa pelikula.

Si Diego pa rin ang gumaganap na Bongbong Marcos sa “Martyr Or Muderer” na siya rin niyang ginampanan sa “Maid In Malacañang.”

“Of course, I thank God, I praise God, and only God can do that. Only a great God can do that, na maayos lang ang pamilya mo.

“Ako naman I just waited for it and I kept praying for this situation to happen,” mariin pa niyang sabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Breakup’ hugot ni Sunshine para nga ba kay Macky: Some people are only meant to stay in your heart not in your life…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending