Pokwang nagpasalamat sa bashers na kampi kay Lee: Kayo po ang nagbigay sa akin ng inspirasyon para mas lumaban po ako | Bandera

Pokwang nagpasalamat sa bashers na kampi kay Lee: Kayo po ang nagbigay sa akin ng inspirasyon para mas lumaban po ako

Therese Arceo - July 13, 2023 - 09:01 PM

Pokwang nagpasalamat sa bashers na kampi kay Lee: Kayo po ang nagbigay sa akin ng inspirasyon para mas lumaban po ako

SA kabila ng mga natatanggap na pambabatikos ay malaki ang pasasalamat ng Kapuso actress-comedienne na si Pokwang sa kanyang mga bashers.

Isa sa mga napag-usapan nila ni Luis Manzano sa vlog ng huli ay ang pagsagot ng komedyana sa mga talak ng kanyang bashers.

Ani Pokwang, hindi dahil public figure silang mga artista ay entitles na ang mga bashers na magsabi ng hindi magaganda sa kanila.

“Ganito lang yan. Kung kayo ay feeling n’yo, entitled kayo na mang-bash ng artista, well, karapatan rin naman naming sumagot,” umpisa ng Kapuso star.

Pagpapatuloy pa ni Pokwang, “Ang social media hindi ginawa para sa inyo lang, kasali po kami dyan. Not because sumasagot ako sa inyo, ako na ‘yung pinakamasamang tao dito sa mundo.”

Aniya, ang mga comments daw na talagang nakakaapekto sa kanya ay kapag nadadamay na ang kanyang mga anak.

“Kasi unang-una, ang ganda ganda ng post mo. Wala namang kinalaman doon sa… may shini-share ka lang. Kayo ang humingi ng pansin sa amin. Nung binigyan kayo ng pansin, galit na galit kayo. Pa-victim na kayo,” saad ni Pokwang.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

Baka Bet Mo: Pokwang nilayasan si Luis Manzano matapos ipakita ang larawan ni ‘Lee’: Wala sa usapan natin ‘yan

Dagdag pa niya, “Kung ayaw n’yong mamura kayo, mag-comment kayo nang naaayon doon sa post.”

Chika pa nga ni Pokwang, hindi bale na raw na laitin siya at ang pisikal niyang itsura lalo na’t never naman niyang naramdamang ipagtanggol ng dating partner.

“Kasi ako sanay na ako sa ‘Ang pangit mo’, ‘Hindi nga namin alam kung anong nagustuhan sa ‘yo ni Lee’… Eversince, hindi naman ako pinagtanggol n’yan.

“Unang-una wala po akong sinabing maganda ako. Pangalawa, hindi naman ako beauty contestant, komedyante po ako at wala po akong pinagagawa. Tunay po lahat ‘yan,” sabi pa ni Pokwang.

Pero sa kabila ng mga ito ay nagpapasalamat ang aktres sa lahat ng mga pambabatikos ng bashers sa kanya.

“Gusto ko pong magpasalamat sa mga bashers ko na pumapanig sa kanya, maraming maraming salamat po sa inyo kasi kayo po ang nag-motivate sa akin para i-push ‘yung kung ano mang mga pinu-push kong kaso ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thank you so much. Kayo po ang nagbigay sa akin ng inspirasyon para mas lumaban po ako. Nakatulong po kayo para ipagpatuloy ko ito,” sey ni Pokwang.

Related Chika:
Hirit ni Pokwang sa mga bashers: ‘Baka mas mayaman pa sila kay Bill Gates kaya walang alam gawin kundi mag-Marites’

Pokwang pinadalhan ng bulaklak, may bagong pag-ibig na ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending