Karylle nabiktima ng 'karo ng patay' prank ni Vhong, ibinebenta ng P300k na may kasama pang driver na nakabarong | Bandera

Karylle nabiktima ng ‘karo ng patay’ prank ni Vhong, ibinebenta ng P300k na may kasama pang driver na nakabarong

Ervin Santiago - July 11, 2023 - 11:23 AM

Karylle nabiktima ng 'karo ng patay' prank ni Vhong, ibinebenta ng P300k na may kasama pang driver na nakabarong

Karylle at Vhong Navarro

PINAGTRIPAN nang bonggang-bongga ng mga kasamahan niya sa Kapamilya noontime programa na “It’s Showtime” ang TV host-actress at singer na si Karylle.

Nabiktima kasi si Karylle ng nakakalokang prank ng veteran comedian-dancer na si Vhong Navarro na sinakyan din ng iba pa nilang co-host sa “Showtime”.

Nagsimula ito nang mag-post si Vhong sa kanilang group chat tungkol sa ibinebenta niyang sasakyan na sobrang mura at bagsak presyo raw.

Mismong si Karylle ang nagkuwento ng ginawang prank sa kanya ni Vhong na mapapanood sa isang episode ng “Showtime” sa YouTube channel ng ABS-CBN last Saturday, July 8.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Karylle (@anakarylle)


Chika ni Karylle, nagkainteres siya sa sasakyang binebenta ni Vhong na nagkakahalaga lamang ng P300,000.

Sey naman ni Vice Ganda, nakita rin niya ang post ni Vhong tungkol sa rush sale ng naturang sasakyan pero kailangan daw cash ang bayaran.

“Di ba, ikaw ang biktima ni Vhong kahapon?” simulang sey ni Vice Ganda.

Baka Bet Mo: Kim Chiu mas pinapaboran daw ng mga bossing sa ‘It’s Showtime’ kaya naeetsapwera si Karylle

“Nag-post si Vhong sa chat group namin, ‘May nag-aalok, kaibigan ko. Mabilisan lang. Camry na sasakyan,’” ang sabi raw ni Vhong kay Vice.

“Di ba sosyal ‘yung Camry? ‘P300,000 lang,’ sabi niyang ganu’n. Pero kailangan cash,” sey pa ni Vice. Hirit naman ni Karylle, “Rush sale.”

“Eh ‘yung Camry mahal ‘yun, tapos P300,000? Eh itong Karylle, nag-direct message kay Vhong. Hindi nag-message sa chat group ah,” pambubuking pa ng Unkabogable Phenomenal Star kay Karylle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by It’s Showtime (@itsshowtimena)


Sey naman ni Karylle, personal siyang nag-inquire kay Vhong dahil interesado sa sasakyan ang kanyang kaibigan. Una munang ipinakita ng komedyante ang harapan ng kotse.

“Oo, kasi hindi naman para sa akin. Para doon sa kasama ko. May nabiktima din ako,” chika uli ni Karylle.

Nang ipakita na nga ni Vhong ang buong litrato ng kotse, isa pala itong “karo” o sasakyan ng patay.

“Win! Karo pala, mahaba,” sey ni Vice Ganda. Hirit naman ni Karylle, “Vhong Navarro, asan ka?” Wala kasi sa studio ang komedyante sa nasabing episode ng “Showtime.”

Bago matapos ang kanilang kulitan, may nagsabi pa na kung sinuman ang bibili ng naturang karo, may kasama na raw itong driver na nakabarong kaya naman tawanan uli ang mga nasa studio.

Vice nagparamdam: Karylle may plano na nga bang layasan ang Showtime?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sigaw ng netizens, Vice Ganda hindi na raw nirespeto si Karylle: ‘Magkaiba po yung pagbibiro sa pagiging bastos!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending