Herlene Budol pasok sa Top 5 ‘Best in Runway’ ng Miss Grand Philippines pageant
ISA ang komedyanteng si Herlene Nicole Budol sa limang “Best in Runway” sa 2023 Miss Grand Philippines pageant, iniulat ng organisasyon sa Facebook page nito ngayong Hulyo 10.
Kasama ng bida sa “Magandang Dilag” sa Top 5 ang iba pang mga sikat na katunggali at international runners-up na sina Nikki De Moura mula Cagayan de Oro City, Michelle Arceo mula Bagumbayan, Quezon City, at Shanon Tampon mula Caloocan City. Pasok din sa Top 5 si Charie Manalo Sergio mula Caluya, Antique.
Kabilang din sa limang “Best in National Costume” sina De Moura at Caluya, kasama sina Faith Heterick mula Urdaneta City, Aeroz Ganiban mula Nueva Ecija, at Resalina Toledo mula Pasay City.
Kahit ngayong araw lang naihayag ang Top 5 sa dalawang kategorya, ibinatay naman ang resulta sa ipinakita ng 30 kandidata sa preliminary competition and charity gala night na itinanghal sa Crowne Plaza Manila Galleria sa Quezon City noong Hulyo 8.
Baka Bet Mo: Herlene Budol makabawi kaya sa Miss Grand Philippines preliminaries?
Noong gabing iyon, ibinida ng mga kalahok ang makukulay at kakaibang “creative cultural costumes,” at rumampa suot ang mga likha ng designers na sina Leo Almodal, Val Taguba, Cherry Veric, Pablo Mendez III, Rau Ablaza, at Mark Bumgarner.
Sa preliminary competition naman noong gabing iyon din, nagtagisan ang mga kandidata sa swimsuit competition suot ang asul na one-piece swimsuits, at inirampa ang kani-kanilang gown sa evening gown competition.
Matinding laban ang kakaharapin ni Budol, na first runner-up sa 2022 Binibining Pilipinas pageant, mula sa iba pang mga beterana. Kinoronahang Miss Teen Philippines si De Moura na pumangalawa sa Asia-wide reality competition na “Supermodel Me.”
Hinirang namang Miss Ecosystem si Arceo sa 2022 Miss Environment International contest sa India, habang first runner-up sa 2022 Miss Elite contest sa Egypt si Tampon.
Itatanghal ang 2023 Miss Grand Philippines coronation night sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Hulyo 13, at may livestreaming ito sa ALV TV. Dadalo rin si reigning Miss Grand International Isabella Menin mula Brazil.
Tatlong titulo ang paglalabanan sa pambansang patimpalak—ang Miss Grand Philippines, Reina Hispanoamericana Filipinas, at Miss Philippines Tourism.
Related Chika:
Steffi Rose Aberasturi ng Cebu wagi sa Runway Challenge ng Miss Universe PH 2021
Maja Salvador ‘excited’ nang ikasal ngayong Hulyo, blooming sa bride-to-be photos
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.