Herlene Budol humingi ng tawad matapos ang viral 'Q and A': I’ll try my best to make you proud | Bandera

Herlene Budol humingi ng tawad matapos ang viral ‘Q and A’: I’ll try my best to make you proud

Therese Arceo |June 22,2023
facebook
share this

Herlene Budol humingi ng tawad matapos ang viral ‘Q and A’: I’ll try my best to make you proud

Therese Arceo - June 22, 2023 - 04:21 PM

Herlene Budol humingi ng tawad matapos ang viral 'Q and A':  I’ll try my best to make you proud
NAG-SORRY ang beauty queen-comedienne na si Herlene Budol sa kanyang naging asal sa pagsagot sa “question and answer” portion sa sashing ceremony ng Miss Grand Philippines.

Matatandaang agad na nag-viral ang video ng dalaga kung saan tinanong siya kung ano pa ang kaya niyang i-offer bukod sa kanyang social media following para masungkit niya ang korona.

Marami sa mga netizens ang hindi natuwa sa naging paraan ng pagsagot ni Herlene dahil parang nilaro na lamang niya ang patimpalak at nasobrahan na lang sa pagpapakatotoo.

Aminado naman ang dalaga sa nagawang pagkakamali at sinabing naunahan na lang rin siya ng kaba.

“Sa sobrang kaba ko po Hindi kopo naexplain yung kung Anong gusto kopong sabihin sorry I admit di po ako magaling Sa lahat ng bagay and sorry kung nawalan po kayo sakin ng kumpyansa,” hinging paumanhin ni Herlene.

Nangako naman ang dalaga na mas pag-iigihan pa niya sa susunod.

Baka Bet Mo: Herlene Budol ‘nakatikim’ sa netizens, nasobrahan daw sa ‘pagpapakatotoo’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sa isang pag kakamali I’ll try my best to make you proud. Hindi ko po nilaro diko lang po talaga na gets yung tanong and I accept it,” sey ni Herlene.

Lubos pa rin naman ang pasasalamat ng dalaga sa mga taong patuloy pa ring naniniwala sa kanya.

“Hindi po ako perpekto. Thankyou for those people na naniniwala padin po saakin,” sabi ni Herlene.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay payo sa komedyana kung paano pa nito mas mapagbubuti ang pagsagot sa susunod.

“Be serious and stay focused in answering questions po. Wag po haluan ng biro. In that way, maybe masasagot nyo po siguro ng maayos. Kasi kung sa rampahan lang, ang galing mo na po,” payo ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Dapat pag di kaya wag na sumali! Kasi hirap ipilit pag di ka na naman tlaga para dun. Dapat kahit di maayos yung sagot mo sineryoso mo para naman isipin namin na ginawa mo tlaga ang best mo! But anyway.. goodluck sa sunod na journey mo. At sana nxtime ready kana at seryoso kung ito tlaga yung gusto mo.”

“Sana pinatagalog mo nalang ng maayos di yung nilaro mo kasi anjan kana eh sana sineryoso mo padin if hndi mo naintindhan sana nakiusap ka na itagalog nalang para maganda padin pakinggan,” hirit naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Herlene Budol mas pinili muna ang career kesa lovelife: ‘Wala na po akong boyfriend, mas pinili po naming magpayaman’

Herlene Budol iniyakan ang pamamaalam ng TVJ sa GMA, umaming inalok na maging host sa bagong ‘Eat Bulaga’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending