Wilbert Tolentino may hugot sa taong ungrateful: Nakakadala tumulong sa tao | Bandera

Wilbert Tolentino may hugot sa taong ungrateful: Nakakadala tumulong sa tao

Therese Arceo - July 08, 2023 - 08:59 PM

Wilbert Tolentino may hugot sa taong ungrateful: Nakakadala tumulong sa tao
PALAISIPAN sa mga netizens kung sino nga ba ang pinariringgan ng social media personality at talent manager na si Wilbert Tolentino.

Ngayong araw ay nag-post ito sa kanyang Facebook page ukol sa kanyang pagkapagod sa mga taong ungrateful.

“Nakakadala tumulong sa tao na indi marunong mag value sa taong may pagmamalasakit at ang worst ay ungrateful asal pinapakita at laging pabalang sumagot. nakaka[suka] ang ugali mo,” saad ni Wilbert.

Aniya, bukod sa pagiging ungrateful ng taong kanyang tinutulungan ay bastos pa ito at pabalang kung siya’y sagutin.

“Di ka mag tatagal sa [industriya] sa asal na meron ka! Kahit saan ka pa lumipat,” dagdag pa ni Wilbert.

Chika pa nito, ang taong pinatutungkulan niya ay matagal nang may problema at hindi pa rin nagbabago.

Nag-sorry rin si Wilbert sa kanyang pagra-rant dahil hindi na raw niya kinakaya ang ugali nito.

Baka Bet Mo: Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

“Binitbit mo lang problema mo sa bago mong pakikisamahan. Sorry at indi ko na kaya e defend pag uugali at cover up ang tunay mong kulay. Nakakalungkot sabihin pero real talk po eto,” sey ng talent manager.

Marami sa mga netizens ang nag-react at naghinuha na ang beauty queen-comedienne na si Herlene Budol ang tinutukoy ni Wilbert.

“Ito ang simula ng kanyang paglagapak bilang squamy na nakaka allergies ang hirap talaga minsan nagkaka attitude pag meron nang break kakalooka,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “These past few days di na nag popost si sir wilbert ng support niya kay Herlene for the past few days.”

“ganyan n cguro tlga ugali nya..ndi n yan mababago lalo p cguro ngyun
mejo tumaas taas n..pero ndi yan mkkrating s tuktok babagsak at babagsak yan dahil s ugali nya.just saying,” dagdag pa ng isa.

Isa si Herlene sa mga talents na hina-handle ni Wilbert.

Kamakailan ay na-issue ang dalaga na “cause of delay” sa kanyang kauna-unahang teleserye dahil sa schedule nito ngunit pinabulaanan naman ito ng dalaga.

Samantala, wala namang pangalang binanggit si Wilbert kung sino nga ba ang pinatutungkulan niya sa kanyang post.

Bukas ang BANDERA para sa paglilinaw ng kampo ng talent manager.

Related Chika:
Wilbert Tolentino may hugot sa mga ‘user’ at ‘pa-victim’, patama kay Zeinab Harake?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bwelta ni Zeinab kay Wilbert: Naging mabuti ako sa harap at likod mo, pero ako, kahit OK tayo, sunod-sunod ‘yung saksak mo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending