Nadine Lustre 1 year nang hindi kumakain ng karne: ‘I believe it’s the best thing that ever happened to me’
HALOS isang taon na ring hindi lumalafang ng anumang uri ng karne ng hayop ang award-winning actress na si Nadine Lustre.
Pinanindigan na kasi ng dalaga ang pagiging vegan dahil na rin sa pagmamahal at pagbibigay niya ng proteksyon sa lahat ng klase ng animal.
At mukhang wala na siyang balak pang bumalik sa pagkain ng mga animal meat dahil nae-enjoy na rin niya ang mga benefits nito hindi lang para sa kanyang sarili kundi pati na rin sa kapakanan ng mga hayop.
View this post on Instagram
Sa panayam kay Nadine ng Metro magazine, sinabi niyang ang mga hayop ay tulad din ng mga tao kaya hindi dapat patayin, katayin at kainin, “they deserve to live in this world as much as I do.”
“I think I can never go back na rin eh, just because I’m conditioned na to not eat animals. I believe it’s the best thing that ever happened to me.
“At the end of the day, you can’t help but feel bad for the animals. I mean, these pigs are like me. They’re sentient beings and they have emotions, and they’re loving creatures,” paliwanag pa ng aktres.
Baka Bet Mo: Jona choosy pagdating sa lalaki: Hindi ako nagmamadaling magka-lovelife pero sana mahilig din siya sa mga hayop…
Naging mas conscious din daw siya sa pagbili ng mga produkto mula sa fashion, beauty at lifestyle, “I don’t purchase leather anymore. I’m starting to look for brands that are vegan or that are synthetic.
“Basta nag-switch lang talaga ‘yung mindset ko when I switched to vegan, parang everything followed,” aniya pa.
View this post on Instagram
Bukod sa pagmamahal sa mga hayop, isa na ring “eco-warrior” si Nadine bilang honorary park ranger ng Masungi Georeserve sa Rizal.
“Our world has been taking care of us ever since, and I believe that it’s only right that we care for it in return,” ang sabi ni Nadine sa isang panayam.
Nagsimulang maging environmentalist ang aktres nang manirahan siya sa Siargao at magpatayo na roon ng sariling bahay.
“I really am grateful that I have the means to have those days, ’cause I know that it’s something that I need. I can’t handle life when it’s too fast and that’s how my life was before,” sabi pa ni Nadine.
Juancho inaatake na ng nerbiyos: The pressure of being a father and husband is a lot
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.