Lianne Valentin nanginginig habang papunta sa set ng 'Royal Blood', ninerbiyos sa mga intense na eksena nila ni Tirso Cruz III | Bandera

Lianne Valentin nanginginig habang papunta sa set ng ‘Royal Blood’, ninerbiyos sa mga intense na eksena nila ni Tirso Cruz III

Ervin Santiago |July 05,2023
facebook
share this

Lianne Valentin nanginginig habang papunta sa set ng ‘Royal Blood’, ninerbiyos sa mga intense na eksena nila ni Tirso Cruz III

Ervin Santiago - July 05, 2023 - 07:16 AM

Lianne Valentin nanginginig nang papunta na sa set ng 'Royal Blood', ninerbiyos sa mga intense na eksena nila ni Tirso Cruz III

Lianne Valentin, Tirso Cruz III at Dingdong Dantes

NANGINIG at inatake ng matinding nerbiyos ang Kapuso actress na si Lianne Valentin nang makaeksena na niya ang premyadong veteran actor na si Tirso Cruz III.

Sabi ni Lianne, talagang pinaghandaan daw niya ang mga mabibigat niyang eksena sa GMA Primetime series na “Royal Blood” na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Lalo na raw ang mga confrontation scenes nila ni Tirso na siyang gumaganap na tatay nila nina Dingdong sa kuwento na si Gustavo Royales, ang business tycoon na isang misteryo ang pagkamatay.

Chika ni Lianne na gumaganap bilang si Beatrice, unang eksena pa lang nila ni Tirso sa “Royal Blood” ay mabibigat at intense na agad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lianne Valentin (@lianne.valentin)


“‘Yung first scene ko with Tito Pip na ginawa, inaaway ko siya tapos dadambahan ko siya. Tapos nu’ng papunta na kami sa set, nanginginig na talaga ako like literal kasi parang hindi ko yata kaya na dambahan si Tito Pip,” pagbabahagi ni Lianne sa ulat ng GMA.

Aniya pa, “Pero may assurance from Tito Pip na talagang just do whatever you feel, kung ano makagaganda sa eksena and sasabayan kita, sasaluhin kita. Doon ko na-feel ‘yung safety.

“And nu’ng ginawa namin ‘yung eksena na ‘yun nagulat lang ako du’n sa moment to moment na napi-feel ko working with Tito Pip. Talagang doon ako na-amaze,” sey pa ng aktres.

Baka Bet Mo: Dingdong Dantes ibinuking ang ugali ni Tirso Cruz III; ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA 7 extended sa mga sinehan

Na-realize rin daw ng Sparkle artist na, “Kapag talagang very committed ka and very open ka with what you do, and you really feel the passion and love sa ginagawa mo, talagang you’ll do wonders.

“As in, magugulat ka na moment to moment like every scene, ang dami kong natututunan, ang dami kong napi-feel. And sobrang napu-fuel nun ‘yung drive, ‘yung passion mo for this craft. Hindi lang with Tito Pip but with everyone dito sa cast na ‘to.

“Sobrang nae-excite pa akong matuto. I really love what I’m doing. I really love this craft and sobrang naa-amaze ako how deep it is.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lianne Valentin (@lianne.valentin)


“Ang dami mo talagang matututunan not just sa industriyang ito, sa craft na ‘to, pero sa sarili mo rin. Sobrang exciting,” chika pa ni Lianne.

Patuloy pa niyang kuwento sa pagganap bilang Beatrice sa “Royal Blood”, “May kaunting kaba pero more on excited talaga ako dahil this is like first time na na-experience ko ‘yung ganitong klaseng show, murder mystery.

“Naalala ko before kapag tinatanong ako kung ano ‘yung like dream role ko or like genre na gusto kong ma-experience pagdating sa isang teleserye, sabi ko, ‘murder mystery.’ Hindi ako makapaniwala na ito na siya,” pahayag pa ni Lianne.

Napapanood ang “Royal Blood”, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Kasama rin sa serye sina Rabiya Mateo, Mikael Daez, Megan Young, Arthur Solinap, Dion Ignacio at marami pang iba, mula sa direksyon ni Dominic Zapata.

Carmina harap-harapang kinompronta ang Kapuso actress na si Lianne Valentin: ‘Totoo bang nagkarelasyon kayo ni Zoren?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zoren Legaspi, Lianne Valentin halos ‘isumpa’ ng Kapuso viewers; Lyca Gairanod mapapanood na sa GMA 7

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending