Bakit hindi hinihikayat ni Dimples Romana na magdala ng regalo ang godparents ni Elio? | Bandera

Bakit hindi hinihikayat ni Dimples Romana na magdala ng regalo ang godparents ni Elio?

Therese Arceo |July 04,2023
facebook
share this

Bakit hindi hinihikayat ni Dimples Romana na magdala ng regalo ang godparents ni Elio?

Therese Arceo - July 04, 2023 - 04:03 PM

Bakit hindi hinihikayat ni Dimples Romana na magdala ng regalo ang godparents ni Elio?
BININYAGAN na ang bunsong anak nina Dimples Romana at Boyet Ahmee na si Elio na talaga namang dinaluhan ng napakaraming artista.

Naganap ang naturong binyag noon pang Sabado, June 25 kung saan isinabay na rin nila ang selebrasyon ng 1st birthday ng anak.

Ilan sa mga kilalang personalidad na present sa binyag ng anak nina Dimples at Boyet ay sina Melai Cantiveros, Andrea Brillantes, Belle Mariano, Karina Bautista, Jolina Magdangal, Kayla Estrada, at marami pang iba.

Isa pa sa mga ipinagpapasalamat ng Kapamilya actress ay natupad ang pangarap nitong si Father Tito Caluag ang mag-officiate ng binyag ni Elio.

Labis nga din ang pagpapasalamat ni Dimples sa mga ninong at ninang na nagpunta sa isa sa espesyal na araw para sa kanilang anak.

“What a dream to have our family favorite Father @titocaluag officiate the christening of our baby bunso #ElioJuanManoloz

“We truly are very grateful sa lahat ng nagpunta, naggayak, nagmamahal na Ninongs and Ninangs of Elio,” saad ni Dimples.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Dimples Romana ipinanganak na ang kanilang ikatlong anak na si Baby Elio

Pag-amin niya, marami pa rin sa mga ninong at ninang ni Elio ang hindi nakarating sa espesyal na yugto sa buhay ng bata.

Ngunit bumawi naman ang mga ito at nagpadala ng kanilang mga regalo tanda ng pagmamahal para sa kanilang inaanak kay Dimples.

Pero para sa pamilya ng aktres, ok lang sa kanila kung wala nang ibigay na regalo sa kanilang anak.

“Many were not able to come, but sent their love and as the Ninongs and Ninangs of Callie and Alonzo know, we often discourage for them to bring presents because it is their presence in the lives of our children that we truly value the most,” pagbabahagi ni Dimples.

May ilan na naghahanap kay Francine Diaz sa binyag ni Elio dahil isa rin ang dalaga sa mga malalapit na artista sa puso ng asawa ni Boyet lalo na’t naging magkasama na rin ang mga ito sa ilang proyekto gaya ng “Kadenang Ginto”.

Samantala, hula ng fans na naging abala ang schedule ng dalaga kaya marahil hindi ito nakadalo sa selebrasyon nina Dimples.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Dimples Romana emosyonal sa muling pag-alis ng anak papuntang Australia: Thank you for making time for us…

Dimples late nang nalaman na buntis uli: Grabe, antok na antok ako kaya sabi ko, pa-check na kaya ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending