Dimples Romana emosyonal sa muling pag-alis ng anak papuntang Australia: Thank you for making time for us…
NAGING emosyonal ang Kapamilya actress na si Dimples Romana dahil sa muling paglisan ng kanyang anak na si Callie Ahmee pabalik ng Australia.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, kasalukuyang nag-aaral ng pagka-piloto sa nasabing bansa si Callie.
Sa Instagram, nagpahayag ng pasasalamat ang aktres sa kanyang 19-year-old daughter dahil naglaan ito ng oras sa kanila sa kabila ng pagiging busy sa eskwelahan.
“Thank you for making it home, Capt [emojis] in between solo flights and night flying in Australia [emojis]… still sweet though short,” wika ni Dimples sa isang IG post.
Patuloy pa niya, “My heart longs to hold you everyday ate, but my love for you and the respect I have for your big dreams outweigh my pagka-miss of you.”
“The house felt warmer. Somehow the light was brighter. The colors more vibrant. You completed us. Me. Thank you for making time for us,” sey pa ng aktres.
Baka Bet Mo: Dimples Romana: Mas mabuti na raw ang mahirap na may pangarap kesa may kaya na walang pangarap
View this post on Instagram
Sa pamamagitan naman ng IG Stories, ibinandera ng aktres ang sulat na iniwan ng kanyang anak para sa kanila.
“[B]ye bye! [S]ee you guys again soon. I love you,” wika sa naturang sulat.
Sa isa pang Story, ipinakita ni Dimples ang isang video na kung saan ay inihatid nila sa airport ang anak.
Caption pa niya, “Safe skies Capt @callieahmee [emojis]. [F]or a moment, mom’s heart was whole [heart emoji] [T]hank you for coming home.”
Noong nakaraang linggo lamang nang umuwi sa Pilipinas si Callie kasabay ng 1st birthday at binyag ng kanyang bunsong kapatid.
Taong 2022 nang una siyang pumunta sa Australia upang kunin ang kursong “aviation management.”
Related Chika:
Dimples atat nang makita ang 3rd baby pero umaming natatakot sa kanyang pregnancy journey
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.