Dimples Romana: Mas mabuti na raw ang mahirap na may pangarap kesa may kaya na walang pangarap | Bandera

Dimples Romana: Mas mabuti na raw ang mahirap na may pangarap kesa may kaya na walang pangarap

Ervin Santiago |October 31,2022
facebook
share this

Dimples Romana: Mas mabuti na raw ang mahirap na may pangarap kesa may kaya na walang pangarap

Ervin Santiago - October 31, 2022 - 07:51 AM

Dimples Romana: Mas mabuti na raw ang mahirap na may pangarap kesa may kaya na walang pangarap

Dimples Romana at Callie Ahmee

LAHAT ng mga aral ng buhay na natutunan ng Kapamilya actress na si Dimples Romana mula sa kanyang mga magulang ay ipinapasa naman niya sa mga anak nila ni Boyet Ahmee.

Sabi ni Dimples, hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa kanyang isip at puso ang mga payo ng kanyang ama’t ina na ginagamit niya ngayon sa pag-aalaga at pagpapalaki sa mga anak.

Sa kanyang Instagram account, nag-share ang celebrity mom ng isang audio clip kung saan maririnig ang radio calls ng anak na si Callie para sa isa nilang flight.

Nasa Gold Coast, Australia ngayon si Callie and taking up Aviation Management at Southern Cross University.

Sa caption ni Dimples sa kanyang IG post, muli niyang ibinahagi sa madlang pipol kung gaano siy kasaya at ka-proud kay Callie dahil unti-unti na nitong naaabot ang kanyang mga pangarap sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Dito nga inalala ng aktres ang mga life lesson na itinuro sa kanya ng ama, “Sabi ng Tatay ko, one day when I will have children of my own, apart from kindness and respect, I must be able to impart to them the value of DREAMS.

“Yes, pangarap. Mas mabuti na daw kasi ang mahirap na may pangarap kesa may kaya na walang pangarap,” aniya pa.

Napakahalaga raw na maituro agad sa mga kabataan ang mangarap nang bonggang-bongga habang maaga pa. Aniya pa, parang mas mahirap daw turuang mangarap ang mga “privileged” na mga bata sa mga panahong ito.

“It’s not easy training our children to dream BIG. Lalo na it and when they grow up in a home na kahit papaano nakakaluwag luwag na tayo.

“They become oblivious to struggles and sacrifice may be a strange concept to them. Inspiration can’t be forced. It can’t be bought either,” sabi ni Dimples.

Paalala pa niya, “To want to be better, one must know what it feels like to FAIL. For failure is temporary but so is a success.

“So in anything just like what my Papa made sure I knew before he had passed on, -NEVER be afraid to be uncomfortable, EMBRACE the uncertainty, never be afraid to FAIL, never be afraid to TRY, and TRY HARDER,” pagbabahagi pa ng aktres at negosyante.

Dimples atat nang makita ang 3rd baby pero umaming natatakot sa kanyang pregnancy journey

Dimples Romana proud nanay sa pagpasa ng anak sa Private Pilot’s License exams: Yes ate! That’s my girl!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dimples Romana 24 years na sa showbiz; may promise sa mga batang artista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending