Paolo, Isko binati ang TVJ sa bagong noontime show sa TV5 na E.A.T.: 'Hindi po ito kumpetisyon, ito po ay aming inspirasyon' | Bandera

Paolo, Isko binati ang TVJ sa bagong noontime show sa TV5 na E.A.T.: ‘Hindi po ito kumpetisyon, ito po ay aming inspirasyon’

Ervin Santiago |July 01,2023
facebook
share this

Paolo, Isko binati ang TVJ sa bagong noontime show sa TV5 na E.A.T.: ‘Hindi po ito kumpetisyon, ito po ay aming inspirasyon’

Ervin Santiago - July 01, 2023 - 01:53 PM

Paolo, Isko binati ang TVJ sa bagong noonshow sa TV5 na E.A.T.: 'Hindi po ito kumpetisyon, ito po ay aming inspirasyon'

Isko Moreno, Paolo Contis, Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon

SA halip na magpasaring, magparinig at magpakanega, isang bonggang pagbati ang ipinahatid ng “Eat Bulaga” sa GMA 7 sa bagong noontime show ng iconic trio na TVJ sa TV5.

Sa pagsisimula ng programa nina Tito, Vic & Joey sa Kapatid Network, kasama ang iba pang dating hosts ng longest-running noontime show sa Pilipinas na “Eat Bulaga”, nagbigay ng mensahe sina Paolo Contis at Isko Moreno para sa mga original Dabarkads.

Sina Yorme at Pao ang dalawa sa mga bagong hosts ngayong ng “Eat Bulaga” at ngayong araw, July 1, ang unang monthsary ng programa matapos mamaalam ang TVJ sa producer nitong TAPE Incorporated.

Sabay na umere ang “Eat Bulaga” at ang bagong show ng TVJ sa TV5, ang “E.A.T.” o “Eto Ang Totoo” at sa isang bahagi nga ng “Eat Bulaga”, at nag-congratulate sina Isko at Paolo sa katapat na programa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Mga Kapuso, espesyal tong Sabadong to para sa Eat Bulaga! dahil masasabi natin, eto ang bagong era ng noontime television habit ninyo. Alam naman natin, alam ko updated kayo sa mga nangyayari at nag-aabang kayo. Gaya ninyo, excited din po kami.

“Para sa karamihan, isa itong malaking kumpetisyon. Pero para sa programa gaya ng Eat Bulaga! na 44 years na po na nagpapasaya, hindi po ito kumpetisyon, pero ito po ay aming inspirasyon,” mensahe ni Pao.

Sabi naman ni Yorme, “Tito Sen, Vic, and Joey, and their Dabarkads, congratulations sa inyo. Masaya kami may bago na kayong tahanan.

Baka Bet Mo: Basher na nagsabing matanda na ang TVJ supalpal kay Joey: ‘Tumahimik ka na, may galit na ‘ko kasi pakialamera at inggitera kayo’

“Masaya kami kasi marami nang pagpipilian ang tao. At least, ang noontime show ngayon, para nang buffet, marami ka nang choices.

“Taus-puso, sampu ng aming mga kasama, staff, production, the mangement TAPE Inc., we warmly welcome and congratulate Tito, Vic, and Joey. Congratulations po sa inyo!” ang pagbati pa ni Yorme.

Patuloy pa niya, “Ngayon naman, kami dito ni Paolo at sampu ng aming mga kasama, sa mga viewers natin, in our own little way, in a different manner, we will try to make your afternoon full of joy and hope.

“Dahil gusto namin, araw-araw sa tanghalian, kasama niyo kami, ang Eat Bulaga Tulong at saya ang handog namin sa inyo,” dugtong ng dating alkalde ng Maynila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, nagpahatid din ng mensahe si Paolo sa isa pa nilang katapat na  programa, ang “It’s Showtime” na napapanood na rin ngayon sa GTV channel na pag-aari ng GMA 7.

“Iwe-welcome ko na rin ang isa pang nagbibigay-saya. Mas nauna to sa amin pagdating sa mga hosting, pero ngayon kapitbahay na natin sila.

“Sa It’s Showtime, welcome! Dahil ngayon kapitbahay na namin kayo, masaya kami na matatawag na namin kayong Kapuso. Kaya kung ano ka man, parte ka man ng Madlang People, kung Dabarkads ka man, kung Kapuso ka man, maraming-maraming salamat.

“Masaya kami na na dito kayo. Ang importante, tuluy-tuloy lang po ang pagbibigay namin ng saya dahil ang importante naman ay yung mga viewers natin. Welcome to your new home, It’s Showtime,” sey ni Pao.

Hirit uli ni Yorme, “Naku, ang magbebenepisyo rito ay kayong mga viewers.” Na tama naman dahil nadagdagan pa ang mga show na pamimilian ng mga manonood.

Isko Moreno nagpasintabi sa TVJ bago sumalang sa ‘Eat Bulaga’, walang balak tapatan ang OG hosts

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda sa bangayan ng TVJ at TAPE: Parang tayo ‘yung casualty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending